Part 10

1.1K 30 5
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

---------------------------------

Dali-daling lumabas ng reataurant si Sophia, kitang-kita sa mukha ang matinding galit.

Pigil-hininga naman kaming lahat sa labas.

At noong nakalabas na ito at nasilip kaming lahat na parang mga panindang lanzones na nagkumpol-kumpol, parang nagpapapicture lang, sumigaw ito ng, "Anong ginagawa ninyo d'yannnnnn! Trabaho naaaaaaaaaaaaa!!!" nanlilisik ang mga mata.

Parang gusto kong matawa sa inasta ni Sophia. Imagine, ang laki-laki ng aming mga banners at streamers na nagsabing on stirke nga kami ngunit hindi niya ito pansin.

Tahimik pa rin kaming lahat. Syempre, ayaw magslita ang aming mga kasama dahil sa takot.

"Ano pa ang hinihintay ninyo! Punta na kayo sa mga puwesto ninyooooooooooo!!!"

Ramdam kong nanginginig na sa takot ang aming mga kasmahan at lahat sila ay nakatingin kay Ricky na para bang nagtatanong na, "Paano na to? Ikaw ang pasimuno nito? Ano ang gagawin namin?"

Magsalita na sana si Marlon ngunit tumayo si Ricky at nasapawan siya, "A, Miss Sophia... strike po kami. Hindi ba ninyo nakikita ang mga karatula namin?" sambit ni Ricky at itinaas pa sa mukha ni Sophia ang dala-dala niyang karatulang "Strike kami!"

"Aha! Ikaw pala ang pasimuno nito!" ang sabi niya kay Ricky. At baling sa ibang mga kasamahan namin, "O sige... ngayong alam kong itong baklang pangit na ito pala ang pasimuno ng lahat, tanggal na siya sa trabaho eefective ngayong araw na ito! Kaya bumalik na kayo sa inyong puwesto at huwag kayong mag-alala, tataasan ko ang mga suweldo niyo!" at baling uli kay Ricky at sa akin, "Sumunod nga kayo sa akin!" at nagmadaling pumasok sa loob ng restaurant. At noong nasa may pintuan na, huminto siya.

Pumasok rin kami ni Ricky, hinarap siya.

"Hoy! Ikaw!" turo sa akin. "Kung hindi ka dumating sa dito sa restaurant na to, hindi sana kami nagkaletse-letse. Dahil sa iyo, pati itong si Ricky ay naimpluwensyahan mo na. Matindi ang pagka-kontrabida mo talaga no! Panggulo ka eh! Hudas!"

"Miss Sophia, hindi po siya ang nakaimpluwensya sa akin. Ako po ang naka-impluwensya sa kanya. Matagal na po akong hudas. Tiniis ko lang, naghanap ng tyempo. At ngayon, dahil sobra-sobra na ang ginawa mong pang-iinis, lalaban na ako... kaming lahat na mga inapi mo!"

"Ricky... alam kong nasa restaurant pa rin ang puso mo; ang simpatiya mo. May malasakit ka dahil matagal ka na rito eh. At regular ka nang empleyado. Ang restaurant na ito ang tumulong sa iyo upang makapag-aral ka ng ganyan..."

"Opppssss! Opppp!" ang pagsingit ni Ricky. "Klaruhin natin Miss Sohia na pinaghirapan ko po ang aking pag-aaral. HInid po restaurant ninyo ang nagpaparal sa akin kundi ang aking pagsisikap. Hindi nga patas eh. Lugi ako. Mas kumita ka sa aking paghihirap na sobra-sobra sa itinakda sa batas!"

"Ok.. ok... naintindihan kita. Pero itong hampas-lupang oportunistang ito na gustong maka-jackpot kay Marlon, hindi ko matatanggap." At baling sa akin. "Ikaw ang dahilan ng lahat ng kamalasang ito! Alam mo ba iyon? May ibang motibo ka sa pagdidikit mo kay Marlon, ano? O may ibangmotibo ka sa restaurant na ito? Ang kapal mo rin ano? Kaya... layas na. Hindi ka kailangan dito. Alam mo, kung lalayas ka lang agad-agad ngayon... lahat ng mga hihilingin ng mga empleyado ko ay ibibigay ko!"

"Talaga lang ha?" ang sarkastikong pagsingit naman ni Ricky. "Nakailang pangako ka na ba? Sampo, dalawampo? Tatlumpo? May natupad ba? Hanggang ngayon, nagtitiis pa rin kami sa pang-aapi mo!"

Sumingit na rin ako. "Ok... kung ganoong ako lang pala ang gusot mong umalis. kahit ngayon Miss Sophia ay aalis ako. Ngunit kaya mo bang mawala si Sir Marlon? Kasi... sigurado akong sasama siya sa akin kapag umalis ako. At oo... tama ka, may ibang motibo nga ako kung bakit ayaw kong umalis dito. Gusto mong malaman kung ano? Aalamin ko ang tunay na pagkatao ni Sir Marlon! Kapatid ko siya! At hindi ako titigil hanggang hindi ko siya mabawi!" ang galit na galit ko nang pagpatol kay Sophia. Nainis na kasi ako.

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon