Part 12

1K 21 2
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotamil.com

-----------------------------------

"N-nasaan ako???" ang sambit ni Marlon noong nanumbalik na ang kanyang malay sa loob ng ospital. Kitang-kita sa kanyang mukha ang matinding pagkalito. Siguro ay may limang oras din siyang nawalan ng malay. Naka-bendahe pa ang kanyang ulo ngunit sabi ng mga duktor ay wala naman daw silang nakitang crack sa kanyang bungo. Nasugatan lang daw ang kanyang anit at may natamaang ugat kung kaya ay maraming dugong umagos sa kanyang sugat.

"Nasa ospital ka yak..." sagot ko.

"N-nasa ospital?" ang nalilito pa rin niyang sagot. Hinaplos niya ang kanyang ulo, marahil ay sa naramdamang sakit. "B-bakit may bendahe?"

"N-nabagok ang ulo mo sa malaking bato noong inupakan mo si Badong. Napuruhan ka niya sa ulo at natumba ka."

Nag-isip siya. "B-badong? Iyong kasama kong guwardiya sa bodega ng abaca sa burol?"

Nagulat naman ako sa kanyang sagot. Kumpleto kasi. Si Badong, bodega, guwardiya. "Tama yak! Naalala mo na! Naalala mo na! Nanumbalik na ang iyong ala-ala! Yeheeyyyyy!" ang pagsisigaw ko pa, di magkamayaw sa pagtatalon.

"Naalala ko na nga."

"Yeheeeyyyy! Nanumbalik na ang kanyang alaalaaaaa!" sigaw ko uli.

Natahimik siya.

Natahimik rin ako.

Bakit ka nagtatalon?" ang bigla niyang pagtanong.

"Wala. Happy lang ako na..." hindi ko itinuloy ang sasabihin. Syempre, tuwang tuwa ako kasi, kapag ganoong nanumbalik na ang kanyang alaala, maaalala na rin niya na magsyota kami. Na may ginagawa kami. At gusto ko iyon. "Nasasabik na akong gawin uli namin iyon!" sigaw ng malandi kong utak.

"Happy ka na ano...?" ang paggiit niya sa hindi ko itinuloy na sasabihin.

"Na... na... walang nangyaring masama sa iyo! Tama! Happy ako kasi ligtas ka na!" ang nasambit ko. Totoo naman. Masaya rin naman ako na hindi siya napahamak.

Napangiti siya na parang napawi na ang pag-alala sa kanyang mukha. Parang normal na lang ang pakiramdam niya. At tinanggka pa niyang bumangon.

"Oppppsss! Huwag muna raw sabi ng duktor." ang sambit ko. Ang totoo, wala naman talagang sinabi ang duktor na bawal siyang bumangon. Gusto ko lang siyang manatiling nakahiga kasi malaswa ang nasa isip ko. Balak kong halayin na siya. Kaming dalawa lang kaya ang nasa loob ng kuwarto. At dagdagan pang nanumbalik na ang kanyang alaala.

Bumalik naman siya sa pagkahiga. hindi gumalaw. Behave, hindi nagsalita. Sarap talagang lamutakin ang kanyang katawan at ang nasa gitna nito na mtagal ko nang kinasasabikan... alam niyo na kung ano iyon.

Lumapit ako sa kanyang higaan. Dala-dala ang upuan at sa tabi mismo ng kanyang ulo. Balak ko kasing unti-unting ilapit ang aking mukha sa kanyang muka at pagkatapos ay pipikit ako at syempre, kapag naglapit na ang aming mga bibig, sasakmalin naman niya siguro iyon, di ba? Kaya go...

Ngunit ang siste, noong nakalapit na ako sa gilid ng kanyang higaan, ibinaling naman niya ang kanyang paningin sa wall clock. "M-mag aalas 4 na pala ng hapon..." sambit niya.

Nahinto ako sa aking pagpapantasya, mistulang sinabuyan ako ng malamig na tubig. "Oo... at huwag kang mag-alala kung late ka na sa pagdu-duty mo dahil hindi ka na guwardiya sa bodegang iyon. Hayaan mo na si Badong doon. May iba ka nang trabaho ngayon. Isa ka nang big-time na manager!"

"Late na nga ako yak..." sambit niya na pilit na bumangon at ako naman ay hinarangan ang kanyang dibdib upang hindi siya makabangon.

"Hindi ka nga late! Hindi ka na guwardiya, ano ka ba! Oo, dati guwardiya ka. Ngunit hindi na ngayon." ang paggiit ko pa.

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon