Part 14

1.1K 24 3
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

----------------------------------

Nagtatakbo ako, hindi alam kung saan patungo, hinayaang ang sariling mga paa ang gumiya sa akin kung saan man niya ako gustong dalhin.

Hangang sa naalimpungatan kong nasa isang sulok na pala ako ng central plaza. At noong nilingon ko ang aking gilid, nakita ko ang bukana ng simbahan. Mistula itong nang-imbita. Parang may tumulak sa akin upang pasukin ko ang simbahan.

At pumasok ako sa loob. Walang ginanap na misa sa oras na iyon kung kaya ay halos bakante ang mga upuan.

Tinumbok ko ang pinakamalapit na upuan na nasa bukana lang ng simbahan, kung saan din ako pumasok. Noong nakaupo na, doon ko na pinakawalan ang aking tinimping sama ng loob. Humagulgol ako na parang isang paslit. Pakiramdam ko kasi ay nag-iisa lang ako sa mundo at wala akong ibang masumbungan sa aking mga hinaing kundi ang simbahan.

Lumuhod ako, nanalangin na sana ay makayanan ko pa ang lahat. Isiniwalat ko sa ang sobrang bigat ng aking kalooban. Para akong isang batang nagsumbong ng aking mga hinaing, isiniwalat ang mga nangyari sa aking buhay; na ang taong akala ko ay kakampi ko at nararapat kong ipaglaban ay siya mismo ang tumiwalag, bumasag sa kanyang mga pangako at kinampihan pa ang babaeng siyang dahilan kung bakit hindi pa rin bumabalik ang kanyang alaala.

"Ang sakit po.... Ang buong akala ko ay ok lang siya; na malapit na siyang tumiwalag kay Sophia. Ngunit bigla siyang nagbago. At ang masklap pa ay pakakasalan pa niya si Sophia." bulong ko. "Alam ko Lord, marami rin akong kasalanan. Siguro, hindi ako nababagay na heto, magmakaawa sa iyo kasi, alam ko, pasaway ako. Pero kasi... wala na akong ibang matatakbuhan eh. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit ng aking naramdaman. Parang hindi ko na kaya. Kayo rin naman po ang nagsabi na lahat ng tao ay puwedeng lumapit sa iyo eh; kahit makasalanan, kahit iyong mga nang-aapi, mga inaapi, mga biktima... Kaya narito po ako. Sana kahit kaunti lang, pakinggan ninyo ang aking hinaing, bahagihan ng kaunting awa. Hirap na hirap na po kasi ako eh... Ganito pala ang umibig. Parang Di ko nga alam kung kasalanan ang magmahal sa kapwa lalaki. Sabi kasi nila, bawal ito at isang malaking kasalanan. Ngunit hindi ko rin naman alam kung bakit naramdaman ko ito sa kanya. Hindi ko naman po ginusto ang maging ganito. Naramdaman ko na lang na nagkagusto ako sa kapwa lalaki. Wala naman pong nagturo sa akin, walang nag-impluwensya upang maging ganito ako. Basta naramdamn ko na lang. At noong nakita ko si James, hayun... na in love na ako sa kanya. Nalilito ako sa aking naramdaman sa kanya. Gusto kong burahin siya sa aking isip ngunit hindi ko kaya. Hanggang sa may nangyari sa amin at tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya. Bakit ba kami nagtagpo? Bakit niyo po pinayagang magtagpo ang aming landas at makita ko siya? Tapos noong nalaman kong mahal rin niya pala ako, nawala naman siya sa akin. At ngayon, nakita ko uli siya, gusto ko siyang ipaglaban ngunit siya naman itong lumalayo. Bakit po parang tino-torture ninyo ako? Lahat na po ng hirap ay dinanas ko na upang mabawi ko lang siya ngunit tila napakahirap po niyang abutin. Siya po ba ay talagang para sa akin? O ito na iyong sinasabi nilang kasi bawal... at ayaw ninyong mapariwara ang buhay ko. Pero ang sakit sakit po kasi. Kung bibitiw ako sa kanya, sobrang masakit po kasi, mahal na mahal ko na po siya. Kung hindi rin ako bibitiw, parang talo na rin ako kasi, siya na mismo itong lumayo. Masasaktan pa rin ako. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko Lord. Sana... bigyan mo na lang po ako ng sign kung bibitiw na lang ba ako o ipagpatuloy ko pa rin ang paghahabol sa kanya. Pagod na po ako. Ngunit kung bibigyan po ninyo ako ng sign, pipilitin kong labanan ang lahat ng sakit, aagawin ko pa rin siya kay Sophia... Ngunit kung ayaw niyo pong ipagpatuloy ko pa ang paghahabol sa kanya, pipilitin ko na lang din pong tiisin ang sakit. Ganyan naman talaga siguro kapag nasa ganitong kalagayan. Kadalasan, nangangarap na lang na mahalin... Sana Lord bigyan niyo na lang po ako ng tanda. Iyan na lang po ang gusto kong hilingin sa inyo. At kapag nakita ko na ang tanda na iyon, kahit masakit, pilit kong tanggapin at ilagay sa aking isip na kayo ang gumawa ng desisyon na iyon para sa akin; at iyon ay para rin sa aking kabutihan."

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon