Part 5

1.6K 26 1
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

--------------------------

"Atsaka may isa pa akong nakalimutan..."

"Ano iyon?"

"Ang kubo ko... ang kubo natin, habang wala ako, bantayan mo iyon. Puwedeng doon ka magpahinga. May kahoy din akong itinanim sa harap ng kubo, kahoy na talisay. Alagaan mo rin iyon."

"P-paano ako makapasok sa doon. B-baka pagalitan ako ng may-ari, baka itataboy ako ng guwardiya."

"Sinabihan ko na ang kasama kong guwardiya at iyong bagong kapalit ko na ikaw ang titingin sa kubo. May lihim na lagusan naman ang bodega, di ba? Sa likod lang ng kubo. Makakapasok ka naman kahit nakasara ang gate."

"S-sige. Alagaan ko ang kubo yak... at ang kahoy mo."

"Kahoy natin... At huwag ka nang malungkot ha?"

Tumango na lang ako.

Pagkatapos niya akong yakapin, nagtatakbong bumalik na siya sa bus. Sinundan pa ng aking tingin ang pagtakbo niya, hanggang sa nakasakay na siya.

Nanatili lang akong nakatayo doon. Noong nagsimulang umandar na muli an gbus, kumaway ako nang kumaway hanggang sa unti-unting naglaho ito sa aking paningin.

Kahit papaano, may saya ring dulot sa puso ko ang sinabi niyang babalik siya. Dumaloy man ang aking mga luha sa paglayo naming iyon, may naramdaman naman akong pag-asa.

Sa araw na iyon, sinunod ko ang gusto niyang manood ako ng sine, iniimagine na naroon din siya, kasama ko. Bagamat hindi pumask sa utak ko ang kuwento ng sine, pilit pa rin akong nanatili sa loob.

Kinabukasan, nagtungo ako sa burol. Naligo muna ako sa ilog at doon, sinariwa ang una naming pagtagpo ni James. Pagkatapos kong maligo, umakyat na ako sa bodega. Dumaan ako sikretong lagusan sa likod lamang ng kubo at noong naroon na ako, hinanap ko ang sinabi niyang itinanim na kahoy. At nakita ko nga ito. Siguro ay may taas na tatlong talampakan na ito, at isang malusog na kahoy.

Pumasok ako sa kubo, naupo, nagmuni-muni. At muli hindi ko na naman naiwasang hindi sumagi sa aking isip si James. Tahimik lang akong umiyak.

Pagkatapos ko roon, tinungo ko ang aking kaibigan na nagmamay-ari sa cell phone kung saang number ay ibinigay ko kay James. Kapit-bahay ko lang kasi siya. "Wala bang text para sa akin Dan? Binigay ko kasi ang number mo sa kaibigan ko kapag gusto niyang mamessage sa akin." Ang tanong ko.

Ngunit wala ang sagot ng kaibigan ko.

Para namang bigla akong na nanlumo. Ngunit inisip ko na lang na baka busy iyong tao dahil nga sa nangyari sa kanyang ina, dahilan kung kaya ay hindi niya ako natext. Atsaka, hindi ko rin alam kung bumuti ba o lumala ang kalagayan ng kanilang problema kung kaya marahil ay abalang-abala siya.

Kinabukasan, tinanong uli ako sa aking kaibigan kung may text ba para sa akin.

Ngunit wala pa rin daw.

Naintindihan ko pa rin si James. Ang ginawa ko ay nanghiram ng gitara at pinilit pag-aralang tipahin ang kantang "Beautiful In My Eyes" na siyang kinanta niya sa akin bago umalis. Pati na rin ang "Firs t Love" At pati ang litrato namin at binalot ko pa ng plastic upag hindi mabasa at isinisingit ko sa unan at niyayakap-yakap ko. Para akong baliw. Noon ko lang naranasan ang ganoon katinding pagkasabik sa isang tao. MInsan natulala na lang ako ng walang dahilan, minsan din, mapapaiyak na lang o natatawa kapag naalala ko siya depende sa kung anong bagay ang naaalala ko sa kanya. Ang masaklap lang ay hinid ko masabi-sabi kahit kanino ang aking naramdaman. HInid ko maimagine na magkuwento sa kaibigan o ka-klase, lalo na sa mga magulang ko na nasasabik ako sa isang lalaki. "Ewww!!!" sa isip ko lang. Siguradong pagtatawanan nila ako at tatawaging bakla. Kaya hindi ko talaga maintindihan.

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon