By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
---------------------------------------------
Dali-dali akong tumakbo sa hagdanan upang tingnan kung ano ang nangyari kay Ricky at kung sino ang nabaril niya. At sa bilis ng aking pagtakbo ay tila hindi lumalapat sa hagdanan ang aking mga paa.
Noong narating ko na ang ground floor, tinumbok ko ang main door na nakabukas at noong nasa bungad na, doon ko nakita si Ricky na nakatayo sa harap ng gate, nakatutok pa rin ang baril sa kanilang dalawa ni James at kambal niya na patuloy na nagsambuno sa harapan ng lawn ng bahay.
"Sino ang binaril mo!" ang sigaw ko kay Ricky.
"Warning shots lang iyon igan! Lalapit pa sana kasi sa akin iyang isa. Mabuti na lang at hinaharang din ng isa."
Nahimasmasan naman ako. Ang akala ko kasi ay may nabaril na sa kanila. "Si James iyang humarang sa isa! Ayaw niyang maagaw ng kambal niya ang baril na nasa iyo!" sigaw ko uli. At baling sa dalawang kambal na patuloy pa ring nagsambuno, "James! Mag-ingat ka!"
Nahinto sandali si James sa pagharang niya kay John. "Huwag kang lumapit Yak... d'yan ka lang!" sagot naman ni James sa akin.
Ngunit iyon na pala ang hinintay na pagkakataon ni John. Agad siyang nakatakbo palapit kay Ricky na nabigla rin, inagaw ang baril, inilignkis niya ang isa niyang kamay sa katawan ni Ricky atsaka itinutok ang baril sa ulo nito.
"Igannnnnn!!!" ang malakas na tili ni Ricky.
"Huwag kayong magkamaling sundan kami kung ayaw ninyo na may mangyaring masama sa kanya!"
"Huwag mo siyang saktan tol! Huwag mo nang dagdagan pa ang masamang record mo. Matutulungan pa kita. Pangako ko sa iyo, bibigyan kita ng magaling na abugado upang hindi ka makulong."
"Hindi na kailangan! At kung ikaw lang din ang magsasabi niya, hindi ako maniniwala! Ayoko nang maniwala pa! Simula't sapul, hindi ko maramdaman na itinuring o akong kapatid! Alam ko, lokohan lang iyang sinabi mo. Kaya hayaan mo ako! Huwag mo akong sundan! Nagkaintindihan ba tayo?!" ang matapang na sigaw ni John habang yakap-yakap pa rin si Ricky.
"Tama!" Dugtong din ni Ricky. "Hayaan ninyo kaming magsama at bumuo ng pamilya. Hayaan ninyong abutin namin ang aming mga pangrap na hindi kami hihingi ng tulong sa inyo! Kaya huwag na ninyo kaming guluhin at gambalain!"
"Pakkkk!" ang narinig kong ingay nang tumama ang dulo ng baril na hawak-hawak ni John sa batok ni Ricky.
"Arekop!" ang sigaw naman ni Ricky sabay lingon niya kay John. "Bakit mo ba ako binatukan niyang baril? Sumusobra ka na ah!"
"Ang ingay-ingay mo!"
"Paanong hindi ako mag-iingay, yakap-yakap mo ako at ang sabi mo pa ay magsama na tayo!"
"Magsama pala ha? Pwes... Um!!!" Itinulak niya si Ricky dahilan upang matumba ito sa damuhan.
"Arekop! Bakit ba?! Pagkatapos mong makatsansing???"
"Daming satsat! Hubad!" utos pa ni John. At "Huwag kayong magtangkang lumapit kung ayaw ninyong mabarail!" lingon niya sa amin habang itinutok ang baril sa aming dalawa ni James. At baling uli kay Ricky, "Hubaadddd!"
"Wow! Deretsahan!" sambit ni Ricky.
"Sabi nang wala nang dada! Hubaaddd na!!!"
"T-talaga? Dito?"
"Oo!"
"Now na???"
"Dalian mo, tangina! Pasasabugin ko na iyang bungo mo eh!"