Part 8

1.2K 29 7
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com

----------------------------------

"G-ganoon ba?" ang sagot niya sa aking sinabing magresign na ako. Pansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha. "Iiwan mo na pala ako?"

Mistula namang hinataw ng isang matigas na bagay ang aking ulo sa kanyang naging reaksyon. Hindi ko kasi akalain na may epekto iyon sa kanya. "eh... h-hindi naman sa iiwan po Sir. P-pupunta pa rin naman ako sa MCJ Restaurant at doon ako kakain paminsan-minsan." Ang nasabi ko n alang bagamat ang plano ko ay hindi na talaga magpapakita pa roon pagkatapos ng lahat. Ayokong makita pa ni Sophia. Ayoko rin siyang makita.

"Alam mo, Jassim... sasabihin ko sa iyo ang totoo. Nahirapan ako sa aking kalagayan. Ewan kung alam mo ang kwento ko. Alam kong alam ng maraming empleyado ng MCJ Restaurant ang kwento ko at marahil ay naikwento na rin ito sa iyo ni Ricky. Hindi ko na maalala pa ang aking nakaraan. Noong sinabi mong may nawala kang kuya at kamukhang-kamukha ko siya, natuwa ako. Alam mo ba? Kasi para bang may tanogn kaagad sa aking isip na 'Wow... baka ako nga iyon. Baka ako nga ang kuya mo" At simula noon, palagi na kitang hinahanap. Parang nasasabik ako na makita ka. Nasasabik sa posibilidad na kapatid nga kita. Di ba kinanta ko kanina ang 'Beautiful In My Eyes'? Dahil iyan ang sinabi mong kinanta ng kuya mo bago ka niya iniwan. Parang gusto ko lang kantahin iyon sa iyo. Nangarap ba na baka ako nga talaga ang kuya mo."

Para akong nabusalan sa narinig. Ramdam ko sa aking katauhan ang gumapang na matinding awa sa kanya.

"Ang hirap ng kalagaya ko Jassim... kung alam mo lang. Oo, may pangalan ako, may trabaho, may mga dokumentong magpapatunay na ako nga si Marlon Ibanez. Ngunit alam ko ring itong katauhang ito ay hindi ang tunay kong pagkatao. GAwa-gawa lamang ito ni Sophia upang, sabi niya, ay habang hindi pa nanumbalik ang aking alaala, may pamilya ako; may nagmamahal. Ngunit parang nasasakal na ako. Kapag nag-iisa lang ako, nababalot ang aking isip sa maraming katanungan. Sino ba talaga ako? Sino ang tunay kong pamilya? Ano ang tunay kong pangalan? Nasaan ang mga taong nagmamahal sa akin? Kaya noong nakita mo ako, tuwang-tuwa akong baka ako nga ang kuya mo. Parang gusto ko nang ipagsigawan sa iyo na ako nga ang kuya mo. At iyan ang dahilan kung bakit..." hindi na niya itinuloy ang sasabihin. Para siyang nag-aalangan.

"B-bakit?"

"...inutusan ko si Ricky na hanapin ka, na hikayating mag-apply sa MCJ Restaurant."

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Para bang lalo pa akong naawa sa kanya. Hindi ko akalain na uutusan talaga niya si Ricky na kumbinsihin akong mag-apply sa kanila.

"Sorry. Ako ang nagplano ng lahat..."

Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

Tahimik. Nakita ko na lang ang pagpahid niya ng luha sa kanyang pisngi.

"O-ok lang po... Hindi po ako galit sa ginawa ninyo." ang nasambit ko.

"Salamat at hindi ka galit."

"Ako nga ang dapat magpasalamat."

"Kay asana, huwag ka nang umalis. HUwag mo akong iwan."

Natahimik uli ako.

"K-kung halimbawa bang ako nga ang kuya mo, hahayaan mo bang manatili ako sa ganitong sitwasyon? Ayaw mo bang manumbalik ang aking alaala at magsama tayo bilang magkuya, kasama an gating pamilya? Ayaw mo ba akong tulungan? Paano kung ako nga ang kuya mo at na-stroke ang ating inay... hahayaan mo na lang ba na hindi ko siya nakikita? Hahayaan mo bang hindi niya ako nasisilayan?"

"P-paano naman kung hindi pala ikaw ang k-kuya ko?"

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ayaw mo akong tulungan? Dahil hindi ka sigurado kung ako nga ang kuya mo? Ayaw mo ba akong maging kuya? Kahit hindi totoong kuya mo ako, p-puwede pa rin namang kuya ang itawag mo sa akin, di ba? P-puwede pa rin namang ikaw ang bunso ko... kahit hindi totoo, di ba? Pakiramdam ko kasi, wala akong pamilya eh..."

Ang Lalaki Sa BurolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon