MATAPOS ANG LAHAT, UMALIS SILA Romano at Svetlana sa Russia at lumipat sa Pilipinas.
Kailangan ni Romano ang isa pa niyang anak. Nang minsan umuwi ng Pilipinas si Romano nakilala niya sa isang club si Gina. Isang simpleng waitress doon, maganda at mabait. Pero hindi iyon ang nakakuha ng kanyang buong atensyon para lapitan si Gina.
Iyon ay ang angkin nitong talino. Nalaman niya iyon ng magsimulang magsalita si Gina, ang sabi nito hindi ito nakapag-aral pero daig ang mga nakatapos ng kolehiyo sa mga lumalabas sa bibig nito.
Isinama ni Romano si Gina sa bahay ng mga magulang niya. Kinuha niya bilang kasambahay nila roon ang dalaga. Sa loob ng isang buwan na obserbasyon niya rito nakitaan niya ito nang kakaibang galing. Matalino.
At hindi siya nag-aksaya ng panahon, agad niyang inalok si Gina na maging ina ng kanyang anak. Nilinaw niya kay Gina ang lahat ng plano ni Romano. Na alam ni Romano na naintindihan ni Gina kaya ito pumayag. Nagdalang tao si Gina at nanganak ng sanggol na babae.
Nang mga sandaling iyon nasa Russia si Romano dahil na rin sa trabaho nito. Nalaman na lang ni Romano na umalis ng walang paalam si Gina sa bahay ng mga magulang niya dala ang kanilang anak. Hindi naman niya nagawang habulin ang mag-ina dahil sa nasa Russia siya at abala sa trabaho at sa mag-ina niyang si Emily at Luciano.
Pagdating sa Pilipinas, agad na nag-upa ng imbestigador si Romano para hanapin ang anak niya kay Gina. Na hindi naman nahirapan dahil nasa Maynila lamang din ang mag-ina. Ang nakakatuwa pa sa parte ni Romano, mayroon pang naging isang anak si Gina. At hindi siya nagkamali ng hinala, na mamanahin ng mga anak ni Gina ang katalinuhan ng ina ng mga ito.
Una niyang kinuha si Pusa, ang anak nila ni Gina. Hindi siya kilala nito bilang ama, na wala lang kay Romano dahil para sa kanya isa lamang kasangkapan ang bata sa kanyang eksperimento.
Habang naglalagi sa Pilipinas, naisip ni Romano na pumasok sa pulitika. At sa bansang ito madali ang makapasok doon. Ngunit hindi niya hinangad ang mababang posisyon. Ang pagiging pangulo ng bansa ang pakay niya.
Kapag nasa posisyon na siya malaya na niyang magagawa ang lahat ng plano niya. Ngunit sa ngayon kailangan muna niyang magpalakas, magpayaman at humanap ng mga taong mapagkakatiwalaan niya at siyang magiging tulay niya sa pagiging pangulo ng bansang ito.
Agad na umalis ng bansa sila Romano, Svetlana at Pusa papuntang Paris upang magsimulang muli. Doon gagawa siya ng emperyo niya na kikilalanin sa buong mundo. Gamit ang dalawang batang kasa-kasama niya.
Sa Paris niya hahasain ang kakayahan ng mga ito para sa darating na panahon. Sa panahon kung kailan magagawa na niya ang lahat ng plano niya.
...................................
TEN YEARS LATER
"Ahhhh!" sigaw ko ang maririnig sa buong laboratoryo.
Nagkakaroon ako ng mga mumunting alaala na hindi ko alam kung saan at bakit ko naaalala ang mga iyon. At ng sabihin ko iyon kay Daddy ganitong parusa na naman ang inabot ko sa kaniya.
"Daddy, stop it please!" pagmamakaawa ko.
Ang sakit, ang sakit-sakit ng ulo ko.
Para na lang naawa ang mga medical technician ni Daddy at itinigil ang pagkukuryente sa ulo ko. Lumapit sakin si Daddy at pinakatitigan ako, when I think I saw a satisfaction on his face while looking at me. He signaled his men to take off the ties in me.
Dad shown me an affection and hug me.
"I'm sorry my baby. I just want to erase all the bad memories you have seen in your dreams," aniya habang nakayakap siya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #10: Selena (COMPLETED)
General FictionTENTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN AURELLO AND SELENA story