Wala na bang katapusan ang lahat ng ito?
Bakit sa 7.7 billions na tao sa buong mundo sakin pa napunta ang lahat ng problema na ito.
Pakiramdam ko sasabog ang utak ko kakaintindi ng mga problema ko ngayon.
Kainis kanina ko pa iniisip paano ko lulusutan ang problema Kong ito sa totoo lang.
Sa sobrang pag-iintindi ko sa problema ko hindi ko namalayan may nakalapit na pala sakin. Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko.
"Lena, ano at nakakunot na naman ang noo mo dyan? May masakit ba sayo?"sita sakin ni Mama.
Mas napasimangot ako bago ko siya tingalain.
"Mama, bakit kasi kailangan ko pang magregla? Bakit ako pa? Bakit hindi nalang ikaw? Bakit? Bakit? Bakit?"pagwawala ko.
Tumawa lang si Mama habang nakikinig sakin.
"Oh! Ma, eto na po ang pinabibili niyo"hinihingal na sabad ng pinakamamahal Kong kapatid.
Mabilis pa sa bullet train ng Japan nakalapit na ako agad sa kanya.
"Kuya, pasalibong ko?"excited na inilahad ko ang kamay ko sa kanya.
Inaasahan ko na iyon. Naglalaway na ako isipin ko palang na mahahawakan ko na ang pinakaaasam ko.
Ang akin...
"Ano 'to?"nakasimangot Kong tanong sa kuya ko ng ilagay na niya sa akin palad ang pasalubong niya sakin.
Tumatawang ginulo niya ang buhok ko at nilagpasan ako. Nagdadabog ako naupo sa kawayang sofa namin, kulang nalang umabot sa pintuan namin ang nguso ko sa panghahaba nito.
"Wala ka munang ice cream, may regla ka. Napkin muna ang pasalubong mo sakin. Sasakit na naman ang puson mo kapag kumain ka ng ice cream"paliwanag niya na nakangiti.
Inirapan ko lang siya. Narinig ko ang pagtawa nila ni Mama.
"May nakakatawa? Naiinis na ako, di kita bati, tse!"pagmamaktol ko.
Sandali lang hinintay ko may nakayakap na sakin agad.
"Lena, wag ka ng magtampo. Ayaw lang ni Kuya na may nararamdaman kang sakit. Promise pagwala ka ng regla ibibili kita ng ice cream may kasama pang paborito mong chocolate"paglalambing ng magaling Kong kuya.
Ayoko sana siyang pansinin kaso may binulong pa siya sakin na hindi ko maiwasan na mapangiti.
"Smile ka na, my queen"
Pairap ko siyang nilingon.
"Promise kuya, bibili mo ako ng ice cream at chocolate. Gusto ko po unlimited"nanghahaba na naman ang nguso ko.
Siya naman nakakunot na ang noo habang yakap-yakap pa din ako.
"Unlimited?"
"Basta! Promise ka po!"
Napailing nalang siya sabay sabing...
"This time I will not broke my promise, my queen"pero bulong lang ang dulo na sinabi niya.
Napakamot ako sa ulo ko.
"English na naman, kainis ka kuya. Problema ko na ang regla ko dadagdag ka pa sa isang problema ko. Alam mo naman di ko alam mag-english"reklamo ko na ikinatawa niya ng malakas.
"Aurelio, Lena tayo ng kumain"sigaw ni mama mula sa kusina.
Ako ang unang tumayo at tumakbo papunta ng kusina. Kung hindi ako makakakain ng ice cream sa kanin ko nalang ilalabas ang paglalaway ko sa ice cream.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #10: Selena (COMPLETED)
General FictionTENTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN AURELLO AND SELENA story