I'M ON MY WAY TO GLOBAL INC SERVICES FORTRESS.
But I feel like someone is following me. I played cool about it while walking slowly. A typical high schooler who's just walking down the street. I'm not in the mood today, I just want to kill that supremo they were talking and I'll call this day off.
Pagliko ko sa isang maliit na iskinita, na alam kong walang ibang taong naroon bigla na lang umatake ang limang lalaki pasugod sa'kin. All of them attack me using a dagger or a swiss knife.
I'm lazy to fight, kainis naman kasi itong mga panget na ito, ano bang kailangan nila sa'kin.
"I don't have energy to fight mga panget," tinatamad kong bulalas ng macorner nila ako sa isang sulok.
Nagkatinginan silang lima na alam ko kung bakit, hindi nila ako naintindihan. Mga purong ruso siguro ang mga ito.
"Duraki!" Pailing-iling kong bulong. 'mga tanga'
Mas nag-init ang tingin nila sa'kin na mas ikinainip ko naman. Napailing na lang ako nang sabay-sabay nila akong sugurin.
Lalaki ba ang mga ito? Bakit ang lalamya nilang kumilos? May naunang isang lalaki na nakalapit sa'kin.
Tinapik ko lang sa batok tulog na agad iyong isa sa kanila. Nagkatinginan pa iyong apat ng tumumba ang kasama nila.
Nilapitan ng isang lalaki ang nakabulagta nilang kasama at sinalat ang leeg.
"On mertv," gulat na bulalas ng lalaki sa mga kasamahan niya. 'Patay na siya'
Naiinis naman akong napairap sa lalaki. Ang OA niya naman tinapik ko lang naman sa batok ang kasama nila patay na agad. Tinignan ko ang lalaking nakabulagta at nakamulat ang mga mata pero wala ka ng makikitang itim sa eyeballs niya.
"Eto prosto spit!" naiinip kong bulalas. 'Natutulog lang ito'
Nagbulungan sila habang hindik na nakatitig sakin. Nainis ako, sa lahat pa naman nang ayoko itong pinag-uusapan ako.
Nagmo-moment ako sa inis ko sa kanila tapos bigla na lang nila akong sinugod. Iyong talaga sabay-sabay na sila ngayon ng pagsugod.
Hawak ang patalim nila sabay-sabay silang umamba ng saksak sakin. Panay ang iwas ko, sa kakaiwas ko ng mga atake nila nasabit ang damit ko sa isang nakausling pako o alambre. Kasabay noon nasugatan ako.
Nagdilim ang paningin ko ng makita ko ang dumudugo kong braso dala ng pagkakasabit ko.
Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod kong ginawa.
"Oh!"
Napaangat ang tingin ko sa nag-react na iyon.
Wala sa sarili kong nabitawan ang lalaking hawak ko na balat na lang yata ang nagdudugtong sa ulo niya sa katawan niya. Nilingon ko ang mga lalaki sa pagilid ko. Lahat sila halos ganoon ang mga itsura nila.
Pagtingin ko rin sa sarili ko naliligo na ako sa dugo na galing sa mga lalaking sumugod sa'kin.
Nabitawan ko rin ang hawak kong kutsilyo. Saan ko ba kasi nakuha ang kutsilyong ito. Wala naman akong dala na kutsilyo kanina.
"Yunaya ledi, ty v poryadke?" nag-aalalang tanong ng lalaki. 'Miss, okay ka lang ba?'
Lumapit pa siya sa'kin.
Bakit gan'on ang puso ko biglang bumilis ang pagtibok niya nang makita ko ang mukha ng lalaki. Na- conscious akong bigla sa itsura ko. Bago ko pa ipahid ang kamay ko sa damit ng lalaking nasa paanan ko nahawakan na ng lalaki ang kamay ko sabay hila sa'kin patakbo.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #10: Selena (COMPLETED)
Ficción GeneralTENTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN AURELLO AND SELENA story