one

7K 297 64
                                    

NASA BIYAHE PALANG AKO PAUWI. I've been working in Manila as one of the intelligence agent ng PNP Manila. Kasalukuyan Kong hawak ang kaso ni Queen of Cyber Hacking kasama si Officer Kyle De Larra.

And speaking off palpak na naman ang lakad naming huli akala namin talaga mahuhuli na namin si Cinco.

"Hay, kapagod"gabi na ako nakarating sa bahay.

Pagpasok ko palang ng bahay sinalubong na ako ng kadiliman.
Dederetso na sana ako sa kwarto ko para matulog ng makaramdam ako ng pagkauhaw. Kaya sa kusina ako dumeretso.

Kabisado ko naman ang buong bahay kaya hindi na ako binuksan pa ang ilaw. Pagpasok ko palang ng kusina may iba na akong naramdaman.

"Ahhh!"

Napaupo pa ako sa gulat ng walang babala na bumukas ang ref at may nakita akong babae.

Ang puti niya, tapos nakaputing bistida din siya. Nakakatakot ang pwesto niya, nasa tapat siya ng refrigerator namin na nakabukas, may tumutulong kung ano mula sa bibig niya, magulo ang buhok at mapagkakamalang multo siya sa ayos niya. Isama pa na ang dilim-dilim sa buong bahay at tanging ilaw lang ng ref ang nakasindi.

Napasigaw na naman ako ng gumalaw siya at kasabay noon ang pagbukas ng ilaw sa kusina.

"Aurello anak"boses iyon ng mama ko.

Paglingon ko nasa may pintuan si mama at hawak pa niya ang switch ng ilaw habang nakatitig sakin.

"Mama"sabi ng boses ng isang babae

Paglingon ko sa tapat ng ref namin muli na naman akong napasigaw sa gulat ng makitang nasa tapat ko na ang babaeng nakita ko at sobrang lapit niya sakin.

"S-sino ka Ba?"takot na takot Kong tanong sa kanya.

Tiningala niya si mama na ngayon ay tumatawa na.

"Tumayo ka na dyan anak, kuya mo iyan. Natakot mo yata ang kuya mo"saway ni mama sa babaeng halos nakadagan na sakin.

Inalalayan pa siya ni mama na makatayo.

"Kumain ka na naman ng chocolate na bata ka"sermon ni mama habang pinupunasan ni Mama ang mukha ng babae.

Doon naman ako nakakuha ng lakas ng loob na tumayo. At namangha ako ng mapatunayan Kong hindi multo ang nakita ko. Hawak hawak na kasi talaga siya ni mama at ayon nga pinupunasan ang mukha niya.

Matapos siyang punasan ni mama sa mukha nilingon niya ako at nginitian.

Natulala nalang ako sa ganda niya.

"Aurello anak, ito nga pala si..."pakilala ni mama pero hindi niya tinuloy ang pangalan nito. "Ano anak wala ka pa din bang maalala na pangalan mo?"baling niya sa dalaga.

Nakabawi naman ako agad sa pagkakatulala ko gulat naman ang sunod na naramdaman ko.

"Ma, hindi nalang aso at pusa ang pinupulot niyo ngayon? Pati tao na din?"gulat Kong naibulalas.

Agad na lumapit sakin si Mama at binatukan ako.

"Ang ingay mo"sabi pa ni mama.

Kinakamot ko ang batok ko na binatukan ni mama na tinignan ko ang babaeng napulot ni mama.

Walastik naman kasi itong ina ko, napakagood Samaritan masyado. Noong Una mga hayop lang pinupulot ngayon tao na talaga.

"Nakita ko siyang palaboy laboy sa daan. Marumi at may sugat sa ulo, pinagkakaguluhan na nga siya ng mga tambay noong nakita ko siya"kwento ni Mama.

Nilapitan ni Mama ang dalaga at inayos ang buhok nitong magulo habang nagku-kwento siya.

Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #10: Selena (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon