Dali dali akong umuwi sa bahay, kasi alam kong pagagalitan nanaman ako ni tita claire. Pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang nakakainis nyang galit na mukha.Hoyy elizabeth!! Anak ng?? Anong oras na ahh? Kung saan saan ka nag pupunta ha?! Galit nyang sigaw sakin. Baka kung ano ano na pinagagawa mo ha! Baka mamaya malaman ko nalang aalis kana dito ng bigla, hoyy!! Gusto ko lang sabihin sayo ako parin ang nag papalamon sayo. Galit nyang sagot sakin habang hawak nya yung dulo ng mga buhok ko.
Sobrang sakit na..
Binitawan nya narin ako at dalidali akong pumasok sa kwarto ko at nilock ito. Doon ko binuhos lahat ng galit ko, iniyak ko nalang lahat sumusobra na kasi sila sa pang aapi sakin. Parang di na akong tinuring anak sa bahay na ito, naiiyak ako dahil pag dating sa bahay walang wala akong kakampi... kaya nag bihis ako kaagad at natulog pagod na akong umiyak pagod na akong manirahan dito.
Kinabukasan, maaga nanaman akong nagising dahil papasok pa ako at mag luluto ng umagahan. Ayokong madatnan ako dito ni tita claire dahil mabubwiset lang ako sa mukha nya. Naligo na ako at kumain na ako kaagad at umalid na ng bahay.
Habang nag lalakad ako nakatunganga ako wala sa ulo ko ang utak ko ngayon. Pero may biglang umakbay sakin. Si anna.
Oyy nakatunganga ka dyan, may nangyare ba? Hindi ako sumagot.
Pinagalitan ka nanaman ba ng step mom mo?? Sinasaktan ka nanaman ba dahil late ka umuwi? Nako sorry talaga eliza ako may kasalanan eh. Nagmamaktol nyang sabi natawa naman ako sa itsura nya ngayon.
Oy hindi ahh, hindi mo naman kasalanan na late ako umuwi and don't worry sanay na ako doon halos kabisado ko na ang palagi nyang sinasabi, Pagpapaliwanag ko sakanya.
Sure ka ahh? O sige tara na baka malate pa tayo. Sagot nya sakin. Pumasok na kami sa first class namin kay ma'am buenaventura, mabilis din natapos ang leesson nya. Okay class that's it for today see you tomorrow. Sabi ni ma'am samin nagkahiwalay na kami ni anna. At pumunta na ako sa second class ko. Hindi ako masyado nakapag focus ngayon masyado akong maraming iniisip, kaya fiko namalayan recess na na pala.
Tara punta na tayong cafeteria gutom na ako ehh. Sabi ni anna habang hawak nya yung braso ko. Pero naalala kong nakalimutan ko ang libro sa classroom ko. Anna wait mauna kana may nakalimutan kasi ako balikan ko lang. Sabi ko sakanya. Okay sige bilisan mo ahh? Napatango nalang ako. Kinuha ko naman kaagad yung naiwan kong libro, pabalik na sana ako sa cafeteria kaso may narinig akong babae at lalakeng nag uusap sa sulok kaya nag tago muna ako sa likod ng mga locker.
BINABASA MO ANG
THE LUCKY GIRL ( on going )
Teen FictionIsang simpleng babae na may mataas na pangarap. Her name is Elizabeth De guzman .Namatay sa Cancer ang kanyang nanay dahilan into para ang tatay nya nalang ang sumusuporta sakanya. At nag karoon ang tatay nya ng bagong mapapangasawa. Kaya inakala ny...