chapter 4

7 0 0
                                    


Chapter 4

Eliza's ( point of view)

Nag paalam na ako kay anna dahil pagod na ako lalo na sa ginawa niya kanina.

Yung umuwi ako ng bahay nandatnan kong nakaupo si alliah at nanonood si Hindi kona pinansin. Kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko, naligo at nag palit na ako ng damit at humiga. Hindi ako makatulog kaya nag decide muna akong mag online. Tinignan ko ang friend request ko sa social media ko at nakita ko ang pangalan ni zack. Nag dalawang isip pa ako kung i coconfirm ko siya, kahit papaano ay nakilala ko naman na. kaya kinormfirm kona rin. Pag tapos kong gawin yun pinatay kona yung phone ko dahil napagod talaga ako sa school.

Kinabukasan.....

Nagising nanaman ako ng maaga dahil ako nanaman ang magluluto ng umagahan. Nadatnan ko si tita claire, paakyat na sana ulet ako, ng biglang mag salita si tita claire.

"Eliza aalis ako baka naman may natatabi kang pera dyan. Share mo naman." Nakangising tanong sakin ni tita claire.

Umakyat ako at kinuha ang iba kong natatabing pera  sumunod nalang ako dahil mas malala ang gagawin nya kapag di ako nakapag bigay.

"Oh meron naman pala ehh 'yan ang gusto ko sa'yo eliza may pakinabang karin pala salamat ah!?"

Wala na akong natira, kaya wala narin akong pambili ng pagkain mamaya sa cafeteria

Hayss bahala na nga. Pumasok na ako sa school at mabilis natapos ang 1st and 2nd class ko, hanggang sa hindi ko namalayan break time na pala, kaya pinuntahan ko si Anna sa room niya.

"Anna sabay kabang kumain?" Tanong ko Sa kaniya

"Bhe Hindi muna ako makakasabay sa next na subject nalang tayo mag kita." Pag papaalam niya kaya tumango nalang ako at pumunta na ng cafeteria, sumulip lang naman ako doon wala naman ako ng gagawin dito wala na ako ng pera sinumot na ng magaling kong ina. Kaya nagdecide nalang ako na pumunta sa library.


------



Zack's (point of view)

Break time nanamin at dumeretcho na ako sa cafeteria kasi sabi sakin nila  Bryan at Alex ngayon daw dating nila sa school na'to. Kaya Maya Maya na ako ng order. ilang minuto lang ang lumipas may narinig na akong mga babaeng nag titilian sa entrance ng cafeteria. Nandito na sila kaya tumayo na ako upang salubungin sila.

"Broo!! Kumusta na sabi na nga ba dito rin bagsak mo HAHA." Bati in Alex sakin.

"heyy bro long time no see ah?? Ano mag chix nabang napupusuan so Mr Playboy? HAHAHHA."  Ani naman ni Bryan sakin kaya nag si upo na kami. Ilang minuto lang habang nag kukwentuhan kami nakita ko si eli sa pinto ng cafeteria akala ko nga namalik mata lang ako, kaso siya talaga 'yon mukhang wala siyang balak kumain.

" Ano bro? May bagong chix kana? share  ka naman diyan." Pag tatanong sakin ni alex. Tinawana ko nalang siya.

THE LUCKY GIRL ( on going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon