[UNDER REVISION!!!]
JELAL'S POV
Hindi ako nagising ngayon dahil sa alarm clock kung hindi dahil sa may tumawag. Gustuhin ko mang matulog pa pero hindi pwede dahil alam kong si Mommy 'yon.
Umupo ako kahit na tinatamad at agad na kinuha ang telepono para sagutin ang tawag. "Hello Mom," inaantok pa na pagbati ko.
Hindi niyo rin naman kasi ako masisi kung puro video games ang inatupag ko kagabi, masaya naman kasi talaga ang maglaro pero nag-aral naman muna ako bago magpuyat.
("Miss mo na ako diba? Gusto mo kong makasama diba?")
Nawala ang antok ko nang marinig ang sinabi ni Mommy. May problema ba?
"O-Oo naman po," nagdadalawang-isip na sagot ko. Ang weird kasi ni Mommy ngayon.
Dati kapag tatawag si Mommy kukumustahin lang nito sa mga nangyari sa buong araw ko kaya nagtataka ako kung bakit ganito siya ngayon.
("Papapuntahin na kita dito. Naayos ko na lahat. Dito ka na mag-aaral.")
Napatulala nalang ako sa narinig ko mula kay Mommy. D-Doon ako mag-aaral?
Hindi pwede, pero bakit hindi pwede Jelal?
Pangarap mo 'to diba? Kaya nga nag-aaral ka para ipakita sa mga magulang mo na maging proud sila.
Ilang beses nga akong nangulit kay Mommy na dalhin niya na lang ako sa kanya. Gustong-gusto ko na kasi talagang itong makasama.
"N-No. Namimiss ko po kayo p-pero hindi ko po kaya," hindi makapaniwalang sabi ko.
Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan nakilala ko na si Jenine?
Tama dahil kay Jenine.
("Whether you like it or not pupunta ka dito or else–")
"M-Mom...please." Huwag ngayon. Hindi pwede. Hindi ko kaya.
("You will go here and that's final.")
Binaba na ni Mom ang tawag nang hindi ko man lang siya napilit. Pabagsak akong humiga sa kama habang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
Naalala ko tuloy ang pinangako ko kay Jenine.
"Hindi ko kayo iiwan ni Pat. Poprotektahan ko kayo."
Mapait akong napangiti.
Paano ko magagawa 'yon kung mawawala ako sa tabi nila?
"Grabe Jelal, iiwan mo na talaga kami?" tanong ni Azriel at kunwaring paiyak pa.
Nasa may canteen kami ng school ngayon. Kakatapos lang naming mag-exam at ito kasama ko ang mga ugok.
"Bakla ka talaga," natatawang sabi ni Blake na tumigil sa paglalaro sa phone niya at ibinaba ito sa may lamesa.
Akala ko ako lang nakakapansin eh! Ang lakas tuloy ng tawa naming tatlo nila Void.