[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
Inilapag ko si Toothless pagkarating sa kitchen at ibinaba ang bag ko sa isang upuan.
Maigi kong hinugasan ang kamay ko at binuksan ang refrigerator para tignan ang mga ingredients na kakailanganin. Kumuha ako ng chicken sa may freezer at inilagay sa isang bowl para lagyan ito ng tubig. Hinayaan ko ito sa may sink at inihanda pa ang mga kakailanganin.
Napangiti ako nang maalala kung paano ako kinulit ni Jelal buong araw. Hindi naman ako sa nagrereklamo pero nagagawa niya akong itext kanina pero hindi niya man lang naisip na magpadeliver. Ewan ko ba dito kay Jelal, inaasar lang ata ako eh. Balak ko talaga siyang pagtripan ngayon at lutuan na lang ng hotdog kaso baka hindi pa talaga siya kumakain kaya paglulutuan ko na lang rin.
Pagkatapos mahiwa ang mga ingredients kumuha ako ng casserole at saktong dumating si Jelal. Sumandal ito sa may island counter habang manghang nakatingin sa akin. "Need a hand?" he asked, crossing his arms on his chest.
Bahagya akong napatawa bago ilagay ang kasirola sa stove. "Ikaw ata ang may kailangan ng kamay," pagbibiro ko at tumingin kay Jelal na nakabusangot na ang mukha. Ngumuso pa ito na akala mo inaway ko. "Tutulungan na nga eh," bulong niya na ikinangiti ko pa lalo.
Ibinalik ko ang tingin sa mga ingredients nang maalala na nagluluto nga pala ako. Hindi lang kasi ako makapaniwalang nakikita ko ang ganitong side ni Jelal.
Ang cute niya.
Nang inaantay ko na lang itong maluto, kinuha ko na ang chance na 'yon para makapagbihis. Hindi na kasi ako gano'ng kakumportable sa uniform na suot ko. "Aakyat lang ako pakibantay 'yong niluluto." Tumango si Jelal bilang sagot at kinuha ko na ang backpack ko para umakyat.
Nagmadali akong magbihis dahil baka masunog pa ang niluluto ko, ang tagal nag-antay ni Jelal, syempre ayoko naman siyang pakainin ng sunog. Sa kamamadali ko baliktad pa ang pagkakasuot ko ng shirt kaya inulit ko ko ang pagkakasuot. Kung kailan naman oh.
Pagkababa ko nakaupo na si Jelal at nakayukong nakapatong ang kanyang ulo sa may island counter. May sumilay na ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan siya. Sana lagi na lang kaming ganito. Nagkakasundo at hindi nagbabangayan. Hindi ko akalaing ganito kami kabilis na magkakaayos.
Sabi ko na eh, nandiyan pa rin ang dating Jelal na kilala ko.
Naglakad ako papalapit sa stove para tignan ang niluluto. Pagkacheck ko ng chicken adobo, saktong luto na naman ito. Kumuha ako ng kutsara at kumuha ng sabaw gamit ang wooden spoon para isalin sa kakakuha ko lang na kutsara. Kinakabahang tinikman ko ito.
Napatingin ako sa itaas habang sinusuri ang lasa. Tama naman ang pagkakatimpla ko hindi gano'ng kaalat, kaasim at katamis. Masarap siya para sa akin, sana lang magustuhan ni Jelal.
Kumuha na rin ako ng kanin dahil mukhang nakatulog na ata si Jelal dahil sa gutom. Nagmamadaling inilapag ko ito sa tabi niya pero hindi pa rin ito umiimik. Mukhang nakatulog na talaga siya.