[UNDER REVISION!!!]
JELAL'S POV
Gulat akong napatingin kay Void nang tapikin niya ako. Nakatayo siya kasama sina Blake at Azriel sa harap ko.
Nakatingin silang tatlo sa akin na para akong alien na bumaba dito.
"Hoy, kanina pa tumunog yung bell. Uwian na," malakas na sabi ni Void sa harap ko na ikinabalik ko sa wisyo.
Napatingin ako sa wall clock na nasa taas ng pinto. Uwian na pala? Hindi ko na namalayan. Kaya pala ganito makatingin 'tong tatlo sakin. Sobrang bangag ko na siguro.
Napalingon din ako sa paligid, wala na ngang tao maliban saming apat. Totoo ba talagang hindi ko namalayan ang oras?
Agad ko rin namang inayos ang mga gamit ko baka kanina naiinip ang tatlong ugok na 'to.
Naglakad na kami sa hallway para makauwi. Parang ang bilis lang talaga ng araw ngayon.
"Alam na ba ni Jenine na aalis ka?" tanong ni Azriel. Pansin ko nga ring nagdalawang-isip pa siya kung itatanong niya ito.
Napangiti nalang ako nang marinig. Concern talaga 'tong mga ugok kay Jenine. Mukhang mapagkakatiwalaan ko talaga ang mga ito.
"Oy pre, si Jenine oh!" Gulat akong napatingin sa itinuro ni Blake at napahinto kami sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit sobrang kaba ang naramdaman ko.
Nakasandal si Jenine sa pader malapit sa daanan palabas ng building na ito. Nakayuko itong nakatingin sa sahig habang hawak ang backpack niya.
Sa sobrang kaba ko hindi ko man lang naihanda ang sarili ko at tinulak ako nung tatlo na gumawa ng ingay na ikinatingin ni Jenine. Napangiti ito dahil sa ginawa nila. Mga ugok talaga eh.
Lumapit ito sakin na ikinakaba ko pa lalo. Hindi ko alam kung yung kaba na ito dahil ba sa balak ko ng sabihin kay Jenine ang lahat o ewan. Hindi ko na alam.
Kanina ko pa iniisip kung anong paraan ang gagawin ko para sabihin kay Jenine na aalis ako. Ilang beses ko na ring pinilit si Mommy para manatili ako dito sa Pilipinas pero hindi talaga ito pumayag. Hindi ko na talaga alam ang dapat kong gawin.
"Uuwi ka na Jelal?" masiglang tanong nito. Iling lang ang nagawa kong isagot.
Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita, "Okay lang ba kung hanapin natin uli si Pat?" nagdadalawang-isip na tanong nito.
Oo nga pala si Pat. Nawala na rin sa isip ko.
Naguguilty na tuloy ako kay Pat. Sa sobrang daming problema hindi ko na siya magawang hanapin. Babawi nalang ako ngayon.
"Oo naman." Agad siyang napangiti sa isinagot ko. Hinakawan niya ang kamay ko at patakbo akong hinila palabas.
Lumingon ako sa tatlong ugok. Nakangiti lang ang mga ito at nag thumbs-up. Mukha tuloy nila akong binugaw kay Jenine.