CHAPTER 30

25 6 3
                                    

[UNDER REVISION!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[UNDER REVISION!!!]

JENINE'S POV

"Sa tingin mo magagalit kaya ulit siya?" pabulong na tanong ni Shea. 

Ano na naman kayang tsismis ang pinag-uusapan ng dalawang ito? 

Inilapag ko ang binili kong merienda sa may lamesa na ikinatigil ng dalawang tsimosa sa pag-uusap nila. Nginitian ako ni Shea na parang walang nangyari. Si Morg naman itinuon na lamang ang atensyon sa pagkain niya.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagsimulang kainin ang sandwich na binili ko. Sanay na rin naman ako sa dalawang 'yan. Minsan nga kapag may nalaman akong balita alam na nila kaagad. Mga tsismosa raw kasi sila ng taon.

Napangiti ako nang may maalala. I coughed. "Musta na kaya si Azriel?" pang-aasar ko at kagaya ng inaasahan namula si Shea. 

Kagabi pa nga namin siya kinukulit. Kulang na nga lang lumabas na ng screen si Morg sa sobrang gigil niya. Ayaw kasing magsalita ni Shea kahit na anong pilit namin.

"Akala ko nga loyal 'yan kay Killua my loves so sweet niya," gantong pa ni Morgiana, halatang gusto ng malaman ang tsismis.

Napanguso tuloy si Shea. "Nakapagmove-on na ako. Huwag niyo ng ibalik ang nakaraan dahil nasasaktan ako." Umarte pa ito na umiiyak, pinalo-palo pa niya ang kanyang sariling likuran.

Napailing ako nang maisip na ang mangyayari dahil kagaya ng dati ayon nabatukan siya ni Morg. "Basta malaki ka na. Alam kong alam mo ang tama at mali pero kapag sinaktan ka niyang kupal na 'yan walang pipigil sa akin ah."

"Wala naman akong kinukwento ah," pagdedepensa pa nito kaya inambahan na naman niya si Shea.

Hindi ko na lang siguro siya pipilitin lalo na at halata naman na. Hayaan ko na lang na sila na mismo ang magsabi. Kinagatan ko na lang ang sandwich at pinagmasdan silang mag-away. Wala rin kasi ako sa mood na makisali. 

Napalaki ang mata ko nang makitang tumatakbo si Void at ang dalawang ugok papalapit sa amin. Lumiwanag ang mga mukha nila nang mamasdan kaming nakaupo sa may canteen.

Kanina ko pa sila inaantay, mabuti naman at dumating na sila. "Start na!" pagsesenyas niya.

Agad kong nilunok ang natitirang sandwich kahit mabulon-bulunan na ako. Ilang beses pa akong naubo bago ko tuluyang nakuha ang bag ko. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at nagsimula agad na tumakbo.

Naguguluhan pa ang dalawa sa nangyayari kaya hinila sila ni Azriel. Nagmadali akong tumakbo at hindi na sila nilingon pa.

Tumingin ako sa wrist watch ko. May thirty minutes pa kami. Sakto na 'to. Tumakbo ako papasok sa room namin at agad na pinagmasdan ang buong kuwarto. Napasandal ako sa pintuan at napasinghal nang hindi makita ang taong hinahanap ko. 

Saan na naman kasi nagsusulpot ang isang 'yon? Sabi ko kasi kanina sumama na sa'min eh. 

Umatras ako para hanapin naman ito sa ibang lugar. Napatigil ako nang makaramdam ng matigas sa may likuran ko. Agad akong pumihit ng ikot at nakita ang pamilyar na pares ng mga mata. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita siya. Hindi na ako nagsayang ng oras, agad na hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay. Hinila ito at patakbong naglakad.

Everything Has Changed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon