[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
Inutusan ako ni Ms. Reyes para kunin ang mga test papers sa faculty room na tinake namin nung nakaraan.
Dala-dala ko na ito ngayon at pabalik na sa room nang mapansin kong may naglalakad sa hallway.
Namalayan ko na lang na napangiti ako nang makita ito.
Bakit ngayon lang papasok si Jelal? Second subject na namin ngayon ah pero okay na 'yon kaysa naman sa umabsent siya.
Nagdadalawang-isip man pero agad na rin akong lumapit sa kanya.
"Hindi nalelate si Jelal dati," pabiro kong sabi pero seryoso niya lamang akong tinignan.
"Hindi rin 'yon nang-iisnob." Nginitian ko siya pero nagpatuloy pa rin ito sa paglalakad.
"Hindi rin ako natitiis ni Jelal," pangungulit pa na sabi ko. Hingal na hingal na nga ako dahil ang bilis niyang maglakad. Kumpara mo naman ang mga paa niya sa mga paa ko.
Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako na halatang naiirita na sakin. Napangiti ako sa ikinilos nito. Sabi ko na eh hindi ako kayang tiisin ni Jelal.
Tumigil ito sa may harapan ko at bahagyang lumapit "What do you want?" naiiritang tanong nito na ikinagulat ko.
Nagkatinginan kaming dalawa. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Pinagmasdan ko na lang ang Jelal na miss na miss ko.
Yung dating nakataas na buhok nito nakababa na ngayon na medyo magulo pero mas bumagay sa kanya. Sobrang tumangkad na rin siya ngayon. Napansin kong pogi na rin ng boses ni Jelal. Mas bumaba pa ang boses nito kumpara sa dati.
"Ang laki ng pinagbago mo," wala sa sariling banggit ko.
Ewan ko ba pero sa pagkakataon na 'yon parang nabasa ko kahit papaano ang mga mata niya.
May lungkot.
"If you will just talk about the old Jelal, then I'll go ahead," malamig na tugon nito at nagsimulang maglakad.
Hindi ko alam kung nagulat ako dahil sa malamig na tugon nito sakin o dahil sa pagsasalita nito ng english. Nakakanosebleed. Halata nga talagang galing ibang bansa.
Kaysa malungkot ako katulad kahapon napangiti ako. Una, dahil kahit papaano pinansin ako ni Jelal. Ikalawa, nakapag-usap kami kahit pinikon ko lang siya.
Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon. Simpleng bagay pero ang laki na ng epekto sakin.
Babalik din tayo sa dati Jelal.
Bumalik ako sa room dala-dala ang mga test papers na inutos ni Ms. Reyes. Nginitian ako nito at nagpasalamat.
Tinignan ko si Jelal habang pabalik sa upuan, katulad kahapon nakatingin na naman ito sa may bintana na parang ang lalim ng iniisip.