[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
"Alam kong uwing-uwi na kayo." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Ms. Reyes, adviser namin. Totoo naman kasi. Uwian na kasi namin ngayon pero pinagstay kami ni Ma'am sa room dahil may i-aanounce pa daw ito.
Kinalabit ako ni Shea. "Feeling ko ipapakilala na yung bagong classmate natin," kinikilig na sabi nito. Kulang nalang kuminang ang nga mata niya kagaya sa mga drama na napapanood ko. Akala ko ba loyal kay Killua 'to?
Umiling nalang ako sa naging reaksyon niya. Kumalat na nga sa school ang tsismis na may lilipat daw. Akala ko nga fake news pero mukhang ata, batay sa pagkakarinig ko kasi noong isang araw babae daw yung bago. Hindi ko nalang sasabihin kay Shea para hindi siya manlumo.
"Ipapaalala ko lang uli yung camping na magaganap next week," panimula ni Ma'am at halata sa kilos nito na tinitignan niya ang aming magiging reaksyon.
Kagaya ko wala man lang silang pakealam.
Ang boring kasi ng camping namin dati. Sa school grounds lang tapos overnight kaya ayon walang excited samin sumama.
"Ma'am prom nalang uli wag na kami magcamping," request ni Erin kay Ms. Reyes.
Kumpara naman sa camping mas masaya ang prom last year pero ayoko na rin magprom, sobrang gastos kasi lalo na palaban si Mama sa mga ganyan. Dati kaya pasukan palang sa school pinaplano niya na ang susuotin ko hindi ko nga alam kung si Mama ba talaga ang pupunta o ako?
"Hala oo nga! This time talaga Jenine ako na mismo mag-aaya kay Killua bilang promdate ko!" Makikita mo sa mga mata ni Shea ang puno ng determinasyon. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito, kung nandito si Morg tutal nabatukan na 'to.
"Kung mapupush talaga yung prom ngayon pustahan si Void na naman partner mo," kinikilig na saad ni Shea, buti wala si Morg ngayon kung hindi magsasama pa yung dalawa para asarin ako.
Tama naman si Shea, si Void ang promdate ko last year. Ang weird nga lang kasi habang sumasayaw kami walang ibang ginawa ang dalawang babaeng 'yan kung hindi magpicture, magvideo at magtitili samin. Nakakahiya talaga swear lalo na at pinagtitinginan kami ng iba dahil sa mga pinaggagawa nila, parang mga baliw.
"Hindi kayo magsisi sa camping na ito kasi sa ibang place gaganapin at grade 11 lang muna ang magcacamping next week. Nasabi ko na rin bang three days gaganapin ang camping?" Nagkaroon muna ng ilang segundong katahimikan at nang marealize namin kung ano ang sinabi ni Ma'am nag-ingay ang buong classroom. Naparalon pa kami ni Shea sa sobrang tuwa.
Totoo ba ito?!
"Hala Jenineeeeeee!!"
"Sheaaaaaaaa!"
Magkawahak ang dalawang kamay namin habang sumisigaw. Nag-ingay na rin ang ibang mga kaklase namin. May ibang hinahampas ang pader, may binabagsak-bagsak nang bahagya ang upuan, nagtitili, at ang malala may sumasayaw pa.