CHAPTER 9

90 38 11
                                    

[UNDER REVISION!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[UNDER REVISION!!!]

JENINE'S POV

Papunta ako ngayon sa Veterinary Clinic kung saan ginagamot ang aso na nakita ko noong isang gabi.

Pangatlong araw na siyang nandodoon simula nung nangyari ang away noon.

Kagagaling ko nga lang din sa hospital na pinagdalhan kay Jelal pero ayon ayaw niya pa ring magpabisita. Halos araw-araw na nga akong pumupunta doon simula nang dalhin siya pero ayaw niya talagang tumanggap maski kung sino.

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang iniisip ng taong 'yon. Ako na nga nag-aalala sa kanya tapos gaganyanin niya pa ako. Bahala siya dyan napakaarteng nilalang.

Pagbukas ko ng pinto nagulat ako nang salubungin ako nung puppy. Kitang-kita kung gaano siya masayang makita ako. Nakakatuwa tuloy dahil nagagawa niya ng lumakad nang mas maayos ngayon. Mabuti na lamang at okay na ito.

Noong unang ngang araw medyo nanginginig at natatakot pa siya kapag hinahawakan, mabuti naman at okay na ito.

Pagbukas ko ng pinto sumalubong sakin ang isang babaeng nakauniform habang may hawak pa na ibang aso.

"Kakakain niya lang kanina kaya inilabas muna namin siya," saad nito.

Lumapit ako sa cute na puppy na nakahilata sa sahig at umupo.

"Sabi nga pala ni Doc maaari na siyang makalabas," nakangiting sabi nito habang pinagmamasdan ang asong masayang nakahiga sa lapag habang nagpapalambing.

Mabuti pa ang asong ito masayang makita ako hindi tulad ng isa dyan napakaarte kala mo naman kung sino. Nakipaglaro lang ako sa cute na aso na ito habang nagkukwento si Ate tungkol sa mga nangyari kagabi dito.

"Ikaw po ba Ma'am ang mag-uuwi sa kanya–" napatigil si Ate sa pagsasalita nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Napairap ako sabay iwas ng tingin nang makita kung sino ang bumukas nito.

Itinuon ko na lang ang atensyon sa aso na walang malay sa nangyayari.

Hindi ko alam kung bakit iritang-irita ako ngayong araw pati nga kung paano dahan-dahang tumayo si Ate kasabay ng pamumula ng mukha niya nang makita kung sino ang nagbukas ng pinto nabadtrip na agad ako.

"Ako ang mag-uuwi sa kanya Miss." Napataas nang bahagya ang isang kilay ko nang magsalita si Jelal doon sa babae.

Ngayon ko na nga lang siya maririnig na magtagalog tapos sa babaeng 'yon pa.

Hindi ako nagseselos ah! Badtrip lang talaga ako kasi hindi niya ako pinapapasok kapag binibisita ko siya tapos ngayon kala mo anghel kung makasagot kapal ng mukha kala mo naman gwapo.

Nag-usap pa silang dalawa pero hindi ko na sila pinansin huminga nalang ako nang malalim at kinalma ang sarili ko. Magkakaroon na siguro ako kaya nagkakaganito ako sabagay pansin ko rin kasing sobrang moody ko nitong mga nakaraang araw. Idagdag mo pa 'tong si Jelal, nakakapanakit talaga ng ulo.

Everything Has Changed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon