[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
Napatingin agad ako sa orasan pagkagising ko.
6:00 am na pala!
Napabalikwas agad ako ng bangon nang makita ang oras. Nakita ko agad si Morgiana na nagsusuot na ng sapatos niya. Tignan mo nga ito patapos na tapos ako kakagising pa lang.
Tinignan ko siya nang masama na tinawanan lang ako. Binalewala ko nalang ito at agad tumakbo sa may bag ko para kunin ang uniform.
"Si Shea?" tanong ko habang hinahanap ang uniform ko.
"Nasa rest room," tipid na sagot nito at nagsimula nang mag-ayos ng kanyang mukha.
Bakit hindi ko makita yung uniform ko? Nailagay ko ba sa bag 'yon? Baka naiwan sa room? Kung kailan naman nagmamadali oh!
"Morg, peram ako extra unifrom," sabi ko na ikinangiti nito.
Teka lang pinagkakaisahan ba nila ako? Malaman ko lang talaga nasa kanila uniform ko sasakalin ko 'tong dalawang babaeng ito.
"Nasa labahan pa eh," sagot nito. "Pero may nag-aantay sayo sa baba," dagdag pa nito habang may nakakalokong ngiti.
Sino namang mag-aantay sa akin sa baba eh nakanila Morg ako?
Teka, baka si Mama? Naiwan ko mga siguro ang uniform ko pero malakas pa rin ang hinala kong pinagtitripan nila ako.
Nagdalawang-isip pa akong bumaba kasi baka may iniligay talaga sila Morgiana sa daan. Malalakas pa naman mga trip nito.
Dahan-dahan akong naglakad habang palinga-linga sa paligid. Mukha tuloy akong abnormal ngayon. Hindi niyo naman ako masisi kung ganito kalalakas trip ng mga tropa mo, ewan ko na lang talaga.
Nang makita kong wala namang mga nakalagay na kung ano ay naglakad na ako ng normal pero syempre alisto pa rin dapat.
Pagkakita ko ng tao sa baba agad akong napanganga sa gulat.
Mas gugustuhin ko pa sana na mahulog ako sa hagdan dahil may nilagay silang pulbos o kaya may bigla na lang lumipad na unan sa mukha ko.
Hala! Bakit ba kasi ngayon? Wala man lang akong ligo o hilamos man lang. Nakakahiya naman.
Napalunok ako sa sobrang kahihiyan at gulat. Kaya pala ganon ngumiti si Morg hindi man lang ako sinabihan ng walang hiya.
Napatayo naman siya agad sa pagkakaupo sa sofa nang makita ako. Napangiti pa nga eh.
Alam ko aware naman ako sa itsura ko ngayon. Argh! Morgiana mapapatay na ata talaga kita. Hindi mo alam kung gaano na akong hiyang-hiya sa sarili ko ngayon. For sure sobrang gulo ng buhok ko.
"Pinadala sa akin ni Tita naiwan mo raw." Inabot sa akin ni Void ang uniform ko na agad komg kinuha ko at nagmadaling nagtungo sa bathroom.
Mamaya nalang ako siguro magpapasalamat kapag disente na ang itsura ko.