[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
Mapait akong napangiti habang naglalakad sa hallway nang maalala ko na naman si Jelal. Ilang taon na ang nakalipas pero parang nangyari lang kahapon ang lahat. Sa apat na taong nakalipas ganito pa rin ako. Simula kasi noon hindi ko na talaga siya nakita.
Ang masakit pa hindi ko alam kung saan pumunta si Jelal kahit na contact lang sana sa kanya. Nawala na kasi lahat sa isip ko noong mga panahong 'yon, ang mahalaga na lang kasi sakin ay ang oras na makasama ko siya.
Wala naman kasing social media 'yon eh hindi raw siya mahilig, kahit nga noong nakaraan hinanap ko na siya sa lahat ng social media pero wala akong mahanap.
"Jenine, good morning!" bati ni Shea at Morgiana pagkadating ko sa room. Napangiti naman ako sa bungad nilang dalawa.
Grade eleven na ako ngayon at buti nalang may senior high dito sa dati kong school kaya hindi ko na naisipang lumipat.
Hinigit naman agad ako ni Morgiana paupo sa tabi nila. "Oh! Ano ng balita sa inyo?" tanong nito at nginuso si Void na nakaupo sa dulo habang nakatutok sa phone niya.
Napakunot ang noo ko. "Anong meron?" naguguluhang tanong ko.
Tinanggal ko ang backpack ko at inilagay sa may binti ko. Napansin ko naman na nagsusulat si Shea sa notebook nito, gumagawa siguro ng assignment. Sipag naman.
"Sus!" sabi nito at nginisian ako. "Diba sabi mo may ikukwento ka tungkol sa kanya?" Umaliwalas naman ang mukha ni Morgiana nang makita niyang mukhang naalala ko na. Hindi pa rin ba nila alam? Saka wala naman akong pinangako kay Morg na may ikukwento ako, sila kaya ang namimilit palagi. Sabagay number one fan daw nila kami ni Void.
Sasagot na sana ako nang biglang dumating na ang teacher namin na nakasimangot na naman. Mukhang may surprise quiz na naman kami ah.
Napanguso ito na tinawanan ni Shea kaya ayan nabatukan tuloy siya. "Napakasama ng ugali mo." Si Shea naman tuloy yung napanguso ngayon.
"Sige, aalis na ako. Kitakits nalang mamaya!" paalam ni Morgiana bago umalis ng room.
Hindi kasi namin ka-strand si Morgiana pero kasama naman niya sina Blake at Azriel doon. Mabuti na nga lang at nandoon yung dalawa kaya nasisigurado naming may makakasama si Morg brutal pa naman yang babaeng 'yan at baka mapaaway at may mapatay pa.
Naging magkaibigan kami ni Shea dahil lagi akong kinukulit nito simula nang magtransfer siya kaya ayon naging sobrang close kami. Magkababata si Shea at Morgiana kaya naging kaibigan ko na rin ito.
Silang dalawa ang nandyan sa akin palagi pero syempre hindi ko rin makakalimutan si Azriel, Blake at Void. Simula nung umalis si Jelal hindi nila ako iniwan.
Noong una syempre naiilang pa ako sa mga ito pero lagi nila akong kinukulit at sinasamahan kaya naging close na rin kaming apat at gaya nga ng sabi ni Jelal sobrang mababait sila.