CHAPTER 7

107 42 18
                                    

[UNDER REVISION!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[UNDER REVISION!!!]

JENINE'S POV

Napangiti agad ako pagkagising. Huminga muna ako nang malalim bago bumangon.

"Ano ito 'nak kdrama? Ganda pa ng bangon mo dyan eh malelate ka na," bungad sakin ni Mama na may hawak pang sandok.

Napatingin tuloy ako sa orasan dahil sa sinabi ni Mama at tama nga late na nga ako.

"Kanina pa kita ginigising 'nak. Bilisan mo mag-ayos at kumain ka na," pangaral ni Mama at bumaba na para ituloy siguro ang pagluluto.

Binilisan ko ang kilos ko dahil late na nga talaga ako. Bumaba ako agad pagkatapos dahil ang bango ng inihanda ni Mama hindi pwedeng hindi ko makain ang mga 'yon.

Agad kong nilantakan ang bacon pagkaupo na ikingiti ni Mama.

"Jenine kung ako sayo naglalakad na ako palabas kaysa lumamon dyan. Dinamihan ko na 'tong baon mo. Lumayas ka na," pagtataboy sakin ni Mama habang pinakita ang baonan ko. Napakasweet hindi ba?

Pagdating ko sa school hindi na rin ako nagmadali dahil late na rin naman kasi ako. Marami rin akong mga nakasabay na kararating rin lang.

May malaking ngiti akong naglalakad dahil sonrang good mood ko lang talaga ngayon kaso habang naglalakad napansin ko na parang ang ingay ng classroom lalo na yung mga babae, rinig na rinig ko nga sigaw ni Shea eh. Tungkol na naman siguro sa camping 'yan. Sana sabihin na ni Ma'am kung saan para hindi na kami umasa.

Excited na tuloy ako sa camping na gaganapin. Parang pinaghandaan kasi talaga nila ngayon.

Ano kayang mga ganap sa camping? Sana naman may kagrupo ako kanila Morgiana at Shea para naman hindi ako ganoong ka-awkward. Nakakahiya pa namang makisama sa iba.

"Good morni–" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita ang taong nakatayo sa harap.

Seryoso itong nakatayo habang pinapakilala ni Ms. Reyes.

Napaatras ako nang bahagya dahil sa pagkabigla. Ang tanging naririnig ko na lamang ngayon ay ang malakas na pagpintig ng puso ko.

J-Jelal?

Hindi ko alam kung tama ba na si Jelal ang nakikita ko. Nag-iilusyon lang ba ako? Sa kakaisip ko ba sa kanya kaya ganito? Nababaliw na ba ako?

Napatingin siya sakin at nagkatitigan kami. Halata ang gulat sa mukha nito. Hindi ko na napigilan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko. Ang alam ko nalang gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na miss na miss ko na siya. Sigurado akong si Jelal ang kaharap ko ngayon.

Maglalakad na sana ako papalapit sa kaniya pero nagulat ako nang makitang umiwas siya ng tingin na parang hindi ako kilala.

Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa rest room basta ang alam ko lang sobrang sakit.

Everything Has Changed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon