CHAPTER 12

80 30 12
                                    

[UNDER REVISION!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[UNDER REVISION!!!]

JENINE'S POV

"This beach resort is a private property of our Principal. As you can see naman na tayo and staff lang ang nandito, so I'm hoping na sa tatlong araw na pananatili natin dito walang magpapasawa," saad ni Ms. Alvarez, ang head teacher namin. Nakatayo ito sa may harapan habang may hawak na microphone.

Napansin ko ring anim na teachers ang nandirito para i-facilitate kami. Anong oras na rin kasi silang nakarating kaya nagmamadaling mag-announce ngayon ng mga mangyayari. Naririnig ko na nga rin ang mga reklamo ng ilang estudyante na kagaya kong nagugutom na rin.

Binatukan ko nga si Shea kanina pagkadating nila. Akala ko talaga bukas pa sila makakarating. Bakit nga ba ako naniwala sa kanila eh ang lalakas ng mga topak nito sa ulo.

"Phones are not allowed while were here pero ibabalik din naman namin sa last day," pagpapatuloy pa nito. Hindi ko nga alam kung may nakikinig pa ba kay Ma'am Alvarez. "Yung groupings paano.." huling narinig ko kay Ma'am bago sila magkumpulan para magplano.

Nagugutom na naman kasi ako kaya halos wala na akong maintindiha.

Pagkatapos ng ilang minuto tumayo sa harap si Sir Nicholas at may pinapalipat na students. Pinapantay ata nito ang mga lalake at babae kada row.

Nang tignan kami ni Sir Alvarez pigil hininga kaming tatlo nila Morgiana at Shea sa kaba at nagbabakasakaling walang baguhin si Sir.

Parang awa niyo na po wala sanang malipat sa amin.

Napahinga kami nang maluwag na walang inalis sa aming pito. Mabuti nalang din at hindi kami nakikita ni Sir Nicholas na magkakasama parati kung hindi ililipat talaga kami.

"Mabuti nalang hindi tayo magkakapareho ng section grabe yung kaba ko," masayang sabi ni Shea.

Dadalawang section lang naman kaming grade 11. Gusto ko rin namang makihalubilo sa iba pero syempre mas masaya kung sila kagrupo ko. Mabuti nalang at nasiraan sila kanina kung hindi baka iba ang kagrupo ko ngayon.

Gumilid si Sir Nicholas kasama ang iba pang mga teachers at ibinigay ang microphone kay Ms. Alvarez habang papunta sa harapan. "That will be your group from now own. Alam kong gutom na ang bawat-isa at late na rin tayo sa mga activities for today kaya madalian na rin ang groupings. I want you to pick a leader per group at pumunta ang napiling leader dito sa hall after niyong kumain. You can now eat." Nabuhayan ang karamihan sa huling sinabi ni Ms. Alvarez. Sa tingin ko nga halos lahat kami ay ang panghuling sinabi lang ni Ma'am ang naintindihan.

Kada row kami pinapatayo at pinapapila. Nang kami na ang sumunod manghang napatingin ako sa paligid. Nasa may gilid kami ng hall at may mga bilugang table ang naka set up doon. Makikita tuloy ang view ng karagatan sa harap. Ang ganda rin ng disenyo nito na nakakapagbigay pa ng summer vibes. Parang nagbakasyon lang talaga kami.

Everything Has Changed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon