[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
The room filled with silence. My lips parted and I closed it once again. Marami akong gustong itanong at sabihin pero nanatili akong tahimik. Pinagmasdan ko lang si Jelal na nakatingin sa kawalan.
Ang mga mata nitong kumikinang dati, puno na ng pait ngayon. Mga matang parang nakakita ng maraming hinagpis sa buhay. Ang mga ngiti ni Jelal na nakapagbibigay sa akin ng saya, puno ng lungkot ngayon na parang pagod na pagod na.
Parang pinupunit tuloy ang puso kong makita si Jelal sa ganitong sitwasyon. Nagbago nga siya. Ilang beses kong nasabi sa sarili ko kung gaano nagbago si Jelal. Paulit-ulit sa mga pagkakataong nakakasama ko siya.
Noong araw na nagkita kami hindi ko mapigilang mapa-iyak nang iniwas niya ang mga mata niya na parang hindi ako masayang nakita. Ibang-iba sa Jelal na inilahad ang kamay sa akin noon at nakipagkaibigan.
Siya ngayon ang natatakot, siya ang nagdadalawang-isip, at siya ang lumalayo. Naisip ko na baka kapag nalaman ko ang problema niya maging okay siya, bumalik kami sa dati. That I can break the walls that he builts pero kagaya ng sinabi niya hindi ko siya responsibilidad.
"Why are you still here? W-Why are you doing this?" he asked, breaking the stillness.
Napahinga ako nang malalim, iniisip kung papaano mapapaikli ang mga salitang gusto kong sabihin. Halos lahat ng ginagawa ko para sa kanya lagi siyang nagtatanong kung anong dahilan. Simple lang naman ang sagot eh.
"Kasi nga ako si Jenine."
Hindi kailangan ng matinding paliwanag. Ginagawa ko ito hindi lang dahil namimiss ko ang dating Jelal. Hindi lang dahil nakikita ko siyang nahihirapan. Hindi lang dahil sa kaibigan ko siya kung hindi dahil ito ang gusto ni Jenine. Ito ako. Ito ang pinili ko.
He looks at me. "I'm not the old Jelal."
But you are still Jelal. Hindi ko man alam ang rason kung bakit pero hindi naman ata sapat na rason 'yon para iwan ka. Hindi ka nga nagdalawang-isip na kaibiganin ako kahit na hindi mo ako kilala. Walang rason at walang pagdadalawang-isip basta gusto mo lang. Gano'n din ako.
"I'll be by your side." I smiled.
Hindi ko naman talaga kayang baguhin si Jelal. Hindi ko kayang magiba ang mataas na pader na inilagay niya dahil ang plano ko ngayon sasamahan siya hanggang sa unti-unti niya itong masira. Dadamayan ko siya hanggang sa maging handa siya kasi narealized ko si Jelal lang naman ang makakapagpabago sa sarili niya at hindi ko siya hahayaang mag-isa.
"I may not understand what you're going through but I'm here with you." Hindi ko man maalis ang sakit na nararamdaman mo pero nandito ako and then my tears starts to fall down.
He smiled while he gently wiped my tears away. Sa bawat pagdampi ng kamay niya sa pisnge ko mas lalong dumarami ang pagtulo ng mga luha ko, parang ayaw nilang tumigil.