[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
Napatingin ako sa bintana at pinagmasdan ang tanawin. Ang ganda ng sikat ng araw ngayong umaga na parang sinasabi nito na magiging maganda ang araw ko.
Sana nga.
Nakuha ng atensyon ko si Shea na napakamot sa ulo at iritang napabuntong-hininga. Tumingin ito sa akin at mukhang nagpapaawa. "Jenine, patulong nga kung tama."
Bahagya tuloy akong napatawa. "Saan ba 'yan?"
"Sa The Little Prince. Ang daming kasing pumapasok sa brain ko kaya hindi ko na alam kung ano ang gagawin. I'm so stressed." Ipinakita niya ang yellow pad na may iilang sulat.
Kinuha ko ito at agad na binasa. "It’s the time that you spent on your rose that makes your rose so important."
Ang ganda talaga ng quote na 'yan. Nang basahin ko ang The Little Prince kagabi isa rin ito sa pumukaw ng atensyon ko. Sobrang ganda talaga ng story. Ang daming aral na matututunan, sobrang worth reading.
Tinignan ko si Shea at nagtanong, "Anong bang pagkakaintindi mo?" Wala pa kasi itong explanation na nakasulat sa papel.
Napatingin ito sa taas at saglit na natahimik. "Para sa'kin kahit anong pang sabihin nila kung nag-invest ka ng time sa isang bagay dahil gusto mo they can't value that thing. Importante 'yon dahil—" Tumigil ito at napalaki ang mata sa gulat. "Omg! Alam ko na!" Nakangiting kinuha nito sa'kin ang papel bago ito nagsimulang sulatan. "Thanks."
Napailing ako at bahagyang napangiti. Wala nga akong naitulong sa kanya. Pinagmasdan ko na lang si Shea habang nagsusulat, mukha kasi talaga siyang masaya.
Napatingin ako sa nagbukas ng pinto dahil medyo malakas ang naging ingay nito. May malaki itong ngiti sa mukha pero nang makita niya ako ay agad itong nawala. Naglakad siya at nilampasan ako nang hindi man lang pinapansin.
Nasanay na rin ako sa ginagawa ni Void pero syempre hindi pa rin maiwasan na mag-alala ako sa ikinikilos niya. Iba na kasi ang sinasamahan nito. Maiintindihan ko naman kung sa akin lang siya galit pero pati sila Azriel ay idinamay pa nito. Hindi ko na maintindihan si Void, gusto ko lang namang magkaayos kami.
"Goodmorning class," panimula ni Ms. Alvarez habang akap-akap ang laptop at libro niya. Tumayo kami nang makita ito at agad na bumati.
Inilapag ni Ms. Alvarez ang gamit nito sa table. "Pass your papers," utos ni Ma'am. Inintay ko ang nasa likuran ko para kunin ang mga papel at ibigay sa nasa harapan.
Nakangiting kinuha ni Ms. Alvarez ang mga papel at mariin itong hinawakan. "Have you all read the story? Maganda ba?"
"Yes, Ma'am!"
"Sobrang ganda, Ma'am."
Marami pang nagsasabi na naenjoy raw nila ang story, na kagaya ko. Maganda naman kasi talaga.