[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
"Hija, here's your room," nakangiting sabi ni Ma'am Martha at binuksan ang pinto.
Ilang beses akong napakurap nang makita ang loob.
"Iiwan na kita dito, ipapaakyat ko nalang kay Jelal ang gamit mo after niyang kumain," pagpapaalam ni Ma'am Martha na ikinabalik ko sa realidad.
"Maraming salamat po, Ma'am," saad ko at bahagyang yumuko. Pagtingin ko dito nakita kong napangiti ito sa aking ginawa. "You can call me Lola Martha mas sanay ako doon," aniya.
Tinapik ako nito sa balikat bago naglakad papaalis.
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman sa mga nangyayari. Hindi talaga ako makapaniwala.
Napatingin ako sa may bandang likuran ko. Dito daw kasi ang kwarto ni Jelal. Bali halos magkatapat lang ang kwarto naming dalawa pero mas malapit lang ang pinto nito sa may bathroom. Sa dami-dami ba naman ng kwarto dito pa ako malapit kay Jelal, mas lalo lang tuloy akong kinabahan.
Sabi rin ni Lola Martha may dalawang guest room sa baba kaya akala ko noong una doon ako matutulog pero pinili niya raw itong dating kwarto ni Tita Clara dahil mas magiging komportable raw ako dito.
Dito rin sa second floor matatagpuan ang master's bedroom, ang kwarto ni Lola Martha. Pinakita niya nga rin sa akin ang loob nito na ikinagulat ko. Ang laki kasi ng kwarto ni Lola Martha parang tatlong kwarto ko na ata ang katumbas non.
Pagka-alis ni Mama inilibot kaagad ako ni Lola Martha sa bahay. Sa first floor makikita ang living room, kitchen, at dining area. May laundry at storage room pa nga na ikinalaki ng mga mata ko sa pagkamangha. Hindi ko talaga inasahang makakatira ako sa ganito kalaking bahay.
Dito naman sa second floor matatagpuan ang tatlong bedroom, study room, home office, at family room.
Ngayon lang ata ako nakakita at nakarinig ng family room, may malaking tv sa loob, as in sobrang laki talaga. Para siyang movie room at playroom kung baga. Naraanan pa nga namin ang balcony papunta dito sa kwarto, ang ganda nga ng view sa tingin ko doon ako madalas tatambay.
Every floor may tig-iisang bathroom maliban sa master's bedroom dahil may sarili ito sa loob.
Hindi na rin ako inilibot ni Lola Martha sa third floor dahil gabi na pero sabi ni Lola Martha rooftop daw 'yon kaya naeexcite akong makita ito bukas.
Habang inlilibot ako ni Lola Martha nagkukwento rin ito. Nalaman kong dalawang babae ang anak niya. Si Tita Clara at si Ma'am Melissa, ang nanay raw ni Jelal.
Gusto ko ngang tanungin kung bakit dito nakatira si Jelal pero wala akong lakas ng loob. Sa pagkaka-alam ko maayos pa naman ang bahay nila Jelal na tinitirahan niya dati.