CHAPTER 28

27 5 6
                                    

[UNDER REVISION!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[UNDER REVISION!!!]

JENINE'S POV

"Okay ka lang ba, Morg? Kanina ka pa tulala," nag-aalang tanong ni Shea.

Papunta kami ngayon sa bahay dahil napagplanuhan naming dalawa na pagaanin ang nararamdaman ni Morgiana. Nakakapagtaka nga na sobrang tahimik niya ngayon. Nag-aalala tuloy kami kasi hindi kami sanay na makita siyang ganito. 

Tinignan ako ni Shea dahil hindi ata siya narinig ni Morg sa sobrang lalim ng iniisip nito. Bahagya niya itong hinawakan sa braso na ikinagulat niya. 

"B-Bakit?"

Nagkatinginan ulit kami ni Shea at tipid nitong binigyan si Morg ng isang ngiti. Tahimik tuloy kaming nakarating sa bahay dahil hindi talaga naepekto ang mga jokes niya raw kay Morg. Sobrang lutang niya talaga ngayon, ang lalim pa nga ng eye bags nito na parang kagabi pa namomroblema.

Pagkabukas ng pinto tumigil si Morgiana at seryoso kaming tinignan. "Uuwi na lang ako," saad nito na ikinakaba ko. Ngayon lang talaga namin siya nakitang ganito kaya hindi namin alam ni Shea kung ano ang dapat naming gawin. 

Nagkatinginan lang kami at nanatiling tahimik bago muli itong nagsalita, "Joke lang." Pilit itong tumawa at pumasok na sa loob. 

Lumapit sa akin si Shea at kumapit sa kaliwang braso ko. "Sinapian kaya si Morg?" Napalaki ang mga mata ko sa sinabi nito at halos tumayo ang balahibo. Susmaryosep, huwag naman sana kasi hindi ko alam kung papaano talaga ako makakatakbo. 

Napapikit ako at napadaing nang sabay kaming batukan ni Morg. "Mga gaga talaga kayo, tara na manonood pa tayo ng horror." Dahan-dahan kaming humarap patalikod at bumungad sa amin ang nakaloloko niyang ngiti, tumawa pa nga ito na feeling niya isa siyang demonyo.

Shea tsked in annoyance. "Buang ka na talaga." Binatukan ulit siya kaya ayon double kill.

Nagsimula na kaming manood ng movie kahit takot ako na may lumabas na multo hindi ko pa rin maiwasang mapatingin kay Morg.

Tumatawa at nananakit na ulit siya pero may nakikita pa rin akong kakaiba sa mga mata niya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala pero mabuti naman at nandito sila sa bahay para mabawasan ang takot at lungkot ko. 

Ilang araw na pero naninibago pa rin ako. Hindi naman sa nagrereklamo pero iba pa rin pala ang may kasama sa bahay. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin ni Mama at proud ako sa kanya pero dahil nga kabado talaga ako at takot mag-isa kaya namimiss kong tumira kanila Lola Martha.

Oo nga pala kailangan kong pumunta sa kanila ngayong gabi. Agad kong tinignan ang wall clock sa may taas ng tv. May dalawang oras pa ako para makapaghanda. 

Bibilisan ko na lang para makapunta pa ako kanila Jelal.

Napatingin ako sa dalawa nang maramdaman kong nakatingin sila sa akin. Napakunot tuloy ang noo ko sa itsura nila.

Everything Has Changed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon