CHAPTER 13

75 27 4
                                    

[UNDER REVISION!!!]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[UNDER REVISION!!!]

JENINE'S POV

Nasa amin ngayon ang malaking bola. Ginawa namin ang naisip na plano ni Jelal. Kaming tatlo nila Morgiana at Shea dahil maliliit kami kumpara sa boys pinagitnaan nila kaming apat. Nasa labas namin sila Void at Azriel na nasa may kabilang gilid. Sila Blake naman at Jelal dahil mas matatangkad nasa may harapan at dulo.

Naisip 'to ni Jelal para pantay ang lalapagan ng bola at kapag matutumba ito maaaring mapigilan nilang mga nasa gilid na umaalalay dito.

Isang puntos nalang maaari na kaming manalo. Nasa aming tatlo ng girls ang halos lahat ng bigat ng bola dahil umaalalay lamang ang mga lalake sa bawat gilid at kapag titira na kami, sila ang nag-aakyat ng bola. Ginawa uli namin ito at nakapuntos dahil naihulog ng kalaban ang malaking bola na siyang ikinapanalo namin.

Naglaban naman ngayon ang White at Green team. Nagpahinga muna kami sa may gilid habang pinanonood ang ibang naglalaro.

"Okay lang ba kayo?" nag-aalalang tanong samin ni Void. Napansin siguro nito na sobrang ngalay na kami.

"Oo naman," sabay-sabay naming banggit. Hindi iniinda ang sakit at pagod na nararamdaman.

Wala naman kaming choice ng mga girls lalo na kapag kinuha ng mga lalake ang lahat ng bigat, sa tangkad ba naman nila edi wala na kaming tulong nyan. Tama nga ang naisip na plano ni Jelal.

Bumalik uli kami sa may net ng nanalo ang White team. Kita kong pagod na pagod na sila lalo na kakagaling lang nito sa laban.

"Si Mish kalaban natin ngayon,"  bulong ni Shea sakin habang binabalanse ng kabila ang bola. Si Mish ang leader ng White team kaya hindi na rin nakakagulat na umabot sila dito.

"Iibahin natin ang scoring baka hindi kayo umabot sa last activity sa sobrang pagod," natatawang anunsyo ni Ma'am Montegory. "First to have three points wins," saad nito bago pumito.

Nang ibigay samin ng kabila ang bola agad namin itong nasambot. Matyaga naming inintay ito na mabalanse bago tumira para hindi ito mahulog.

Bumilang si Blake at sabay-sabay nilang inihagis ang bola na hindi nahabol ng ilang members ng White team kaya nagkapoints kami.

Nagmamadaling ibinigay samin ng kabilang grupo ang bola dahil nawalan ito ng balanse. Tumalon si Jelal at ibinalik ang bola sa kanila kaya nadikit ito sa lupa at naging sanhi ng panibago naming points.

"Tapusin na natin 'to! Pagod na ako!" reklamo ni Morgiana kaya napatawa kami.

Cooperation pa lang 'to pagod na pagod na ako paano pa kaya pag sa strength na.

Matagal-tagal din kaming nagpasahan ng bola pero dahil nga sa pagod na pagod na ang kabilang grupo nawalan sila ng balanse na ikinapanalo namin.

Nagtatalon-talon kami sa tuwa. Nagtititili pa nga kaming tatlo. Worth it lahat ng pagod.

Everything Has Changed (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon