[UNDER REVISION!!!]
JENINE'S POV
Kakatapos lang namin mag-almusal at tamad na tamad nga kami ngayong kumilos.
Iba pala feeling kapag natulog kang naririnig ang hampas ng mga alon, nakakarelax na gugustuhin mo oang mahiga.
Kahit gustong-gusto naming manatili dumiretso na rin kami sa hall. Mapapansin pa nga ang mga nakatulala pang mga tao na nandirito.
Sila Shea at Morgiana nga pasimpleng tinatawanan si Azriel. Paano ba naman kasi halatang gusto pang matulog.
Pumunta sa harapan si Sir Orias. "Mukhang inaantok pa kayo ah!" bungad nito sa amin. Pinatayo niya kami na agad rin naman naming sinunod.
"Magkakaroon tayo ng biglaang activity ngayon. Ang pinakamagaling na grupong sumayaw madadagdagan ng points," saad nito kasabay ang pagtugtog ng isang kanta.
Umagang-umaga mukhang mapapasabak kami ah.
Umiindak-indak nga rin si Sir na ikinatawa namin.
"Blue team!" masiglang tawag ni Sir kaya pumunta sila sa may harapan.
Halatang nahihiya pa ang mga ito pero nang magsimulang sumayaw si Killua nagtilian na ang lahat.
"Omg ang galing pala ng baby ko sumayaw!" kinikilig na sabi ni Shea, kulang nalang tumalon siya papunta doon sa may harapan.
Magaling nga sumayaw si Killua kaya hindi mo rin masisi ang mga babae dito na todo cheer.
Sunod-sunod nang tinawag ang iba pang mga grupo, napapansin ko ngang ginaganahan na rin ang mga lalake sa grupo ko, nakikisayaw na rin kasi sila.
"Red team!" Agad silang tumakbo sa may harapan na sinundan namin ni Jelal.
Nagbago ang kanta at pinalitan ng budots, walang pasabi-sabi na pumunta sa gitna sila Void, Azriel, at Blake na walang hiya-hiya kung gumiling na parang mga lasing lang sa kanto.
Ito na naman 'tong tatlo, kami nahihiya sa kanila eh.
Kahit nahihiya pinilit na lang din naming sumayaw nila Shea. Pansin ko nga ang pamumula nang mukha ni Morg na hiyang-hiya sa nangyayari.
Hinila ni Blake si Jelal na nakatayo lang sa gilid para dalhin sa may gitna nila at ginilingan. Napatakip tuloy si Jelal ng mukha sa nangyari.
Hindi ko tuloy mapigilan ang tawa ko. Mukha kasi silang mga ewan.
"Leader galaw oy! Paano tayo magkakapuntos nyan?" reklamo ni Azriel habang walang sawang gumigiling pataas-pababa.
Nang makita naman naming nagsimulang bahagyang kumendeng si Jelal agad na napatakip ako ng bibig sa gulat. Si Shea naman napahalumpasay sa sahig sa tawa. Nakita ko namang napatalikod si Morgiana dahil sa hiya na pinag-gagawa ng boys.