Chapter 15 - Room

10.7K 224 0
                                    

Daniella Angeles


PAGKATAPOS ng mga sinabi ni Davina tungkol sa aking possible killer, napagdesisyunan namin na sa condo unit muna niya ako mag-stay. Hindi naman ako nagreklamo dahil gusto ko talaga kasama ang baklitang ito.


Bilang tulong kay Davina, ako ang nagpe-prepare ng breakfast at dinner namin, pero madalas ay umaalis siya sa gabi. Duda ko na ang alaga niya na si Hunter Robson ang pinupuntahan niya. I think Davina is living a double life.


One as a celebrity manager and the other one? I will soon find out...


Kapag umalis si Davina, madalas past midnight na siya umuuwi. Palagi niya sinasabi na may aasikasuhin siya. Kapag nagtanong ako ng specific na tanong, madalas general na information lang ang sagot niya sa akin na para bang sinasabi na hindi ko na dapat malaman pa ang kanyang whereabouts.


Gusto ko pumasok sa room niya para mag-explore ng kung ano ano, pero madalas ay sarado ito, pero mukhang nakalimutan isara ni bakla ang room niya ngayong gabi.


This is my chance to peek inside your secret life...


Pumasok ako sa kwarto niya at tulad ng design ng buong unit, napaka minimalist with dark brown and white color. Sa dulo ng kwarto, nandoon ang shower room na may frosted glass door.


Ang saya siguro panoorin ni Davina habang naliligo...


Binuksan ko ang mga drawer niya at walang masyadong laman. Karamihan ay mga toiletries at mga accessories tulad ng belts, neck ties at watches. Walang kahit anong personal na bagay na magbibigay ng hints ng tunay na katauhan ni Davina.


Meron siyang ilang mga malalaking aluminum cases na naka-lock. Hindi ko alam kung anong laman nito, pero base sa laki at haba, malamang mga riffles at guns. Nasabi na sa akin ni Davina na nasa military siya noon kaya hindi na ako dapat magtaka pa.


Nasa kalagitnaan ako ng pagiging Dora The Explorer ko sa loob ng kwarto ni Davina nang maramdaman ko na bumukas ang main door ng unit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero ang tanging alam ko, hindi dapat ako makita ni Davina dito. Nagmadali akong pumasok sa loob ng shutter closet door ni Davien. Sana lang ay hindi niya ako mahuli dito sa loob.


Kasabay ng pagkalapat ng pinto ng closet ay ang pagbukas naman ng pintuan ng kanyang bedroom. Mabuti na lang at ang pintuan ng closet ay may slits kaya nakikita ko ng bahagya si Davien. Ibinaba niya sa kama ang isang aluminum case na dala niya kanina.


Sigurado ako na baril ang laman nito...

F5.5 - The Official F Buddy - Davien and Daniella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon