Chapter 3 - Stalker

13.5K 311 3
                                    

Daniella Angeles


DAVINA FITZGERALD. Ang screen name ng gwapong bakla na manager ni Hunter Robson. Unang kita ko pa lang sa kanya ay parang na-inlove na ako sa kanya.


Love at first sight kumbaga.


Crush ko si Hunter dahil isang siyang handsome matinee idol, pero iba si Davina. He has serious face and gorgeous body. He spells danger in a sexy way, pero gumuho ang mundo ko nang malaman ko na beki siya.


Davina looks like a masculine man. Sa tikas, sa mukha at maging sa pananamit, pero malalaman mo lang na bakla siya kapag nagsalita. Kung anong real name ni Davina, wala na akong pakialam. Magaan na agad ang loob ko sa kanya sa unang encounter namin dito sa party.


It is like the two of us are connected. It is as if we are made for each other.


Niyaya ko si Davina na magsayaw sa dance floor. Obvious sa mukha niya na naririmarim siya habang dinidikit ko ang dibdib ko sa kanya. Siguro naparami na rin ako ng inom ng alak kaya medyo naging wild at provocative na ko sa kanya.


"Dany, who is that yummy boylet looking at us? Kanina pa siya nakatingin sa akin. Type ata niya ko gawing baby girl," tanong ni Davina sabay nguso sa direksyon ng isang lalaki sa may second floor veranda.

"My stalker. Let us get out of here," sabi ko kay Davina sabay hila sa kanya paalis ng dance floor.

"Maka-stalker ka, feeling mo gandara ka?"

"Davina, ilang beses ko na siya nakita na sumusunod sa akin. Lately nga, para siyang crazy weirdo stalker na palagi ako sinunsundan kahit saan ako pumunta."

"Ikaw na ang may stalker!" sabi ni Davina sabay irap na naman sa akin.


Nagmamadali ko na hinila si Davina palabas ng club ni Hunter Robson. A few weeks ago, palagi ko na napapansin ang lalaking ito na sinusundan ako sa apartment ko. Napilitan tuloy ako lumipat ng ibang lugar para hindi niya masundan. Though he is harmless, hindi pa rin ako comfortable sa presence niya. Kung hindi pa siya napansin ni Davina, hindi ko pa malalaman na nasundan na pala niyo ko dito sa club.


"Bakit ayaw mo sa kanya? He looks rich and good looking?" tanong ni Davina habang hinihila ko siya papunta sa parking lot.

"Davina, he is a psycho stalker! Hindi ka ba nakikinig?"

"Correction, stalker na yummy! Kung siya ang magiging stalker ko, kahit itali niya ko sa kama, papayag ako---"


Tinakpan ko ang bibig ni Davina nang makita ko ang lalaki na nakasunod sa amin sa parking lot. Mabilis kong hinila si Davina sa likuran ng isang SUV para magtago. Tuwing sinusundan ako ng stalker ko ay palagi akong kinakabahan, pero dahil kasama ko ang baklitang si Davina, pakiramdam ko ay safe ako from any harm.


"See? He is following me! It is either gandara ko talaga or may masama siyang balak sa akin," bulong ko kay Davina.


Sinilip namin Davina ang lalaking stalker at iniikot niya ang paningin niya sa parking lot na para bang hinahanap ako. I almost gasped when the man suddenly pulled out a gun from his back. It looks like a typical gun with a silencer.


Kung kanina ay kalmado ko, ngayon naman ay grabe ang kaba ng dibdib ko. Pinagpapawisan ako at parang anytime ay magkakaroon ako ng panic attack.


This man is not my stalker, this man is my killer.


Out of the blue, Davina cupped my face to calm me. He motioned me to follow him papunta sa kotse niya habang nakayuko. Mabilis naman akong sumunod sa kanya dahil gusto kong makalayo sa psycho stalker na ito as far as I can.


"Once I used my remote lock for my car, your psycho stalker will surely notice us. You have to get inside my car as soon as you can," bulong ni Davina sa akin nang makarating kami malapit sa kotse niya.

"Teka, bakit ako lang? Hindi ba dapat sabay tayong papasok?"

"Just do what I say and you will be fine. I need to cover you to safety."


Hindi na ko nakasagot kay Davina dahil mabilis niyang pinindot ang kanyang remote lock at biglang nag-beep ang kanyang kotse. Wala akong choice kundi magmadali pumasok sa kanyang sasakyan. Dahil sa beeping sound, napalingon sa amin ang stalker ko at biglang itinutok ang baril sa direksyon namin.


My eyes widened my stalker abruptly fired shots at us, pero mas nagulat ako nang makita ko na may hawak na baril si Davina. He accurately shot my stalker in his knee caps.


Mabilis na pumasok si Davina sa loob ng kotse pagkatapos ng ilang putok at nagmamadaling nag-drive paalis sa parking lot.


"Hunter, there is an uninvited guest in the parking lot of your club. You might want to take a look," seryosong sabi ni Davina sa kanyang bluetooth headset.


There are no more traces of Davina Fitzgerald, the gay manager. I am now facing his deadlier counterpart.



Sino ba talaga si Davina? Bakit siya may baril?


And why can he accurately shoot someone kahit sa malayo?

F5.5 - The Official F Buddy - Davien and Daniella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon