Chapter 5 - Dinner

11.5K 257 5
                                    

Davien Fondevilla


DANIELLA ANGELES. I tried to avoid her, but I ended up having dinner with her.


"Is there an update kung kailan ang exclusive interview ko kay Papa Hunter?" tanong niya while we are having dinner sa isang mamahalin na restaurant.

"Hopefully, next week kapag na-finalize na ang gown ni Cheneil. Chill ka lang, bebs! Carry ko ang request mo," sagot ko sa kanya using may gay voice again.


Kung hindi lang importante kay Big Boss ang mission na ito, hindi ako papayag na magpanggap na beki. I have the freedom to wear manly clothes, but I need to use my gay voice and act like a gay. Madalas kasi na babae or gay lang ang mga celebrity managers. Sabi ni Ichiro, I will look more convincing if I will pretend as gay.


"Davina, samahan mo ko sa Maldives sa weekend. Ikakasal ang sister ko at need ko ng partner."

"Partner? I can't be your partner, pareho tayo mahilig sa jumbo hotdog!"

"Gaga! Not partner like boyfriend, kasama lang ang hanap ko. Alam mo naman na badshot ako kay daddy. Made-depress ako pag wala ko kasama," malungkot na sabi ni Daniella.


Hindi lingid sa akin na mayaman ang pamilya ni Daniella at ang mga kamag-anak niya ay kilalang mga politicians sa Northern Luzon. Her father wanted her to take up Law, but she took up Masscom instead.


"Mukha ba kong clown, Daniellabells? Ano ko, nagtatrabaho sa comedy bar? Nag-eexist para pasayahin ka?" biro ko sa kanya dahil mukhang iiyak na naman siya.


Alam ko din na may family problem si Daniella. Sa maikling panahon, tinuring niya ako na parang isang tunay na kaibigan, isang beshie. Kahit papaano, naging mabuting kaibigan din sa akin si Daniella. I feel like I really gain a friend; however, she does not have any idea that I am an assassin.


My job is to kill people...


"Bruha, pumayag ka na! Sagot ko pamasahe at hotel accomodation mo!"

"I need to check with Hunter kung may trabaho ako this weekend. Tingin mo ba magkaka boyfriend ako sa Maldives?"

"Boyfriend? Ako na lang ang gawin mong girlfriend, Davina. Sayang ka, magandang lalaki ka pa naman!"

"Daniella, maganda lang ako, pero hindi ako lalaki. At saka, hindi kita type."


Of course, that is just a blatant lie. Daniella is a beautiful woman. I was already attracted to her since day one. Aside from her good looks, alam ko din na mabuting babae din si Daniella. She has a kind heart dahil madalas siya pumunta sa pedia ward ng mga hospitals para tumulong sa mga batang may sakit.


"Pag wala akong boyfriend pagdating ko ng thirty years old, anakan mo ko ha?" she casually said as she pressed her breast on my arms.


My heart began to race as I felt her soft chest. If I don't have self-control right now, baka hinalikan ko na ang babaeng ito.


"Anakan? Beh, that is so gross. Hindi kita papatulan, ano 'yon, girl to girl tayo?"

"Sige na, Davina. Gusto ko talaga magka-baby pero ayoko ng asawa."

"Maraming lalaki diyan, sila ang akitin mo. Wag ang isang babae na tulad ko!" sabi ko sa kanya sabay sabunot sa kanya ng bahagya.

"Bakla, nagka-girlfriend ka na ba dati?" seryosong tanong ni Daniella.

"Dany, babae na ko simula pagkabata. Bakit ako magkakaroon ng girlfriend?"


Bata pa lang ako ay kinupkop na ko ni Ichiro. Dahil sa klase ng buhay ko, I can't afford to have a steady and serious girlfriends.


Lahat ay flings at panandalian lang.


"Davina, na-trauma ka ba sa babae kaya ka naging bading?" tanong niya while slowly touching my thighs.


What the fuck is she doing? This girl has the nerve to touch me into these forbidden parts!


Sooner or later, hindi na gagana ang utak ko. I am afraid that my other head will decide for me. I am so close of pulling her out of this restaurant and fucking her inside my car.


"Girl, itatak mo sa isip mo na babae ako sa puso at diwa. Can you stop touching me? Lesbian ka na ba ngayon?"

"Binibiro ka lang eh! Sayang kasi ang katawan mo. Kung lalaki ka lang, titikman kita kahit isang gabi lang."

"Dany, nakakarimarim ang idea 'yan. It is so fucking creepy!"


I lied again.


The thought of taking Daniella on the bed is attacking me right now. Ito na ata ang pinakamahirap na mission ko sa buong buhay ko, pretending to be gay when all I want is to take all of her.

F5.5 - The Official F Buddy - Davien and Daniella StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon