Daniella Angeles
NAMALAGI si Davien ng ilang araw sa Hawaii kasama ko. Habang nandito ko, pumutok din ang balita tungkol pagkasangkot ni Tito Gustavo at ng daddy ko sa Black Abyssal Dragon. Isang malaking kahihiyan sa pamilya ko nangyari, kaya nagpapasalamat na lang ako na malayo na din ako sa Pilipinas.
Dahil alam ni Davien na nalulungkot ako sa mga patong patong na kaso na isinampa sa daddy ko, minabuti niya na yayain akong mamasyal. Sa loob ng ilang oras ay umikot kami sa Kailua gamit ang aking top-down car. Wala kaming kibuan sa sasakyan at tanging ang malakas na hangin ang nagsisilbing ingay sa pagitan namin.
Huminto si Davien sa tapat ng isang white mansion na overlooking sa white sand beach at blue sea. Gusto ko umiyak sa mga pangyayari, pero mas maraming tao ang na agrabyado ng daddy ko. Kahit nga ako na isang Angeles ay hindi naramdaman ang pagmamahal niya simula noon pa.
Naputol ang pag-iisip ko ng kung ano ano nang inabot sa akin ni Davien ang isang folder na may laman na picture ng isang lalaki. Hindi ko kilala ito at ngayon ko lang nakita.
"Davien, sino ito? Related ba ito sa assassin na gusto pumatay sa akin noon?"
"That is Jaime Almeida, half Portuguese half Filipino na classmate ng mother mo noong high school."
"Who is Jaime Almeida?"
"He is your real father."
"My real father?" naguguluhan ko na tanong kay Davien.
Alam ko noon pa na ang daddy at mommy ay bunga ng isang arranged marriage. Alam ko din na hindi mahal ng mommy ko ang daddy ko, pero dahil sa mga anak niya, hindi niya hiniwalayan ito. Kung si Jaime Almeida ang totoo kong ama, hindi na dapat ako magulat dahil hindi ko naman naramdaman ang pagmamahal ng isang ama kay Dario Angeles.
"Nasaan na si Jaime Almeida ngayon?" tanong ko habang tinitignan ang litrato niya.
Bumaba si Davien ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Niyaya niya ako sa tapat ng gate ng white mansion. Nag-doorbell si Davien at ilang sandali pa ay lumabas ang lalaking kamukha ng nasa larawan, si Jaime Almeida.
"Daniella, I want you to meet your father, your real father, Jaime Almeida," pakilala ni Davien.
Tulad ng daddy ko, may edad na rin si Jaime Almeida. All gray na ang kanyang buhok, pero matikas pa din ang pangangatawan. Hindi ito nagsalita at nagmamadaling lumapit sa akin para yakapin ako. I just met this old man today, but somehow, my tears are already dropping. For some unknown reason, alam ko na ito ang tunay kong ama.
I guess ito ang tinatawag na lukso ng dugo.
Pinatuloy kami ni Jaime sa kanyang mansion at mukhang nag-iisa lang siya dito. Tanging tatlong malaking German Shepherd ang kasama niya sa napaka garang bahay na ito.
Ibinahagi niya na ang minsan na pagkikita nila ng mommy ko ay nagkaroon ng bunga. Both of them loved each other since their high school days. My mother tried to keep me from him as a means to protect both of us. Kapag nalaman ni Dario na si Jaime ang tunay kong ama, he will not hesitate to kill both of us.
"The assassin who was after you at Hunter's club was sent by a congressman who was involved with a teenager celebrity model. Dahil sa pag reveal mo ng information about their relationship, you became his target," sabi ni Davien habang nakaupo kami sa living room.
"How about the other assassin? 'Yong mukhang foreigners sa Tagaytay?"
"I was the one who sent that man to trail you," sagot ni Jaime Almeida.
"Pero bakit? Gusto mo din ba ko patayin?"
Imbes na sumagot ay tumawa lang si Davien at si Jaime. Mukhang magkakilala na silang dalawa dahil kampante na sila sa isa't isa.
"Your mother did not tell me that she was carrying my child, that she was carrying you, Daniella. I have a strong feeling that you are my daughter when I saw you on the television. I think Davien here can even agree to me that you are my spitting image."
Ngumiti lang si Davien sa akin. Jaime Almeida is a stranger, pero hindi maikakaila ang pagkakahawig naming dalawa.
"I sent some of my men to trail you, Daniella, but they were caught by Davien's team. One thing led to another and I found out later on that Davien here is working under Ichiro, a good friend of mine."
Nabanggit na noon ni Davien na si Ichiro ang nagsisilbi nilang handler, ang kanilang direct contact sa kanilang Big Boss. Kung kilala ni Jaime Almeida si Ichiro, mukhang isang mundo lang ang ginagalawan nila.
"I know it is a bit late, but I will try to be the best father for you, Daniella. I hope you can forgive me for not knowing I have a daughter."
Tumango lang ako kay Jaime Almeida. He looks sincere with his words. Kahit ako ay hindi ko maipaliwanag ang saya ko dahil sa unang pagkakataon, may taong gusto na ituring akong isang anak. I never felt this way with Dario Angeles. He always makes me feel insecure as if palaging may mali sa pagkatao ko. He is a fault finder as if wala na akong ginawang tama sa paningin niya.
"Daniella, we are not here to talk about the past. We are here for something else," sabi Jaime Almeida sabay bigay sa akin ng isang antique looking jewelry box.
Sa loob nito ay isang white gold necklace na may laman na dark blue diamond. I am not an expert when it comes to gemstones, but this gem looks rare and expensive.
"This necklace is a family heirloom and is owned by my mother. I want you to wear it on your wedding day," nakangiti na sabi ni Jaime Almeida.
"Wedding day?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"You haven't tell her yet?" tanong ni Jaime kay Davien at umiling lang ito.
"Well, I will leave both of you now. I apologize for being such a party pooper," nakangiti na sabi ni Jaime bago kami iwan sa living room niya.
BINABASA MO ANG
F5.5 - The Official F Buddy - Davien and Daniella Story
Storie d'amoreWARNING: R-18 [COMPLETED] Davina Fitzgerald - ang beki manager ng celebrity hunk na si Hunter Robson. Davina became my best friend, my confidant, my beshie, but I never thought that he would become my Official F Buddy. Language: English - Filipino ...