Chapter FourHindi rin kami nagtagal sa shop na 'yon dahil umalis din kami agad.
"Ang papangit ng damit mygash. Mumurahin." Panay ang maktol niya habang naglalakad kami. Sumusunod lang naman ako sa kanya. Gusto ko sanang takasan kaya lang baka magalit. Napatigil ako sa paglalakad nang tumigil din ito at nilingon ako. Nakakunot ang kilay nito.
"Why are you walking behind me? Stalker ba kita? Yaya ba kita? I told you to join me dapat sumasabay ka sakin." Iritadong puna niya sakin.
"Sorry, bilis mo kasi e," was all that I managed to reply. Aba, ano bang malay ko na gusto niya ako kasabay? Ang hirap kayang sumama sa taong hindi mo naman gamay ang ugali.
Napairap ako sa hangin bago sumabay sa kanya paglalakad.
Alam ko naman kung ano ang reputasyon ng kasama ko pero hindi ko pa rin napigilang magulat nang sa isang mamahaling shop ng damit kami pumasok. Habang nagtitingin siya ay pasimple kong tiningnan ang mga presyo at parang napapasong nabitawan ko rin ito. Ang mahal. Pagkain na namin sa isang buwan ang presyo ng isang tshirt dito.
"Anj!" agad ako napatakbo sa pwesto niya ng tawagin niya ako. Teka, bakit nga ba ako tumakbo? Di naman niya ako yaya.
Inalok niya akong umupo sa isang sofa na may katapat na salamin.
"Wait here, okay? Susukat ko lang 'tong mga damit." Tumango ako.
Pintuan pala iyong salamin. Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya.
"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya nang lumapit siya sa pwesto ko.
"Nope. Tinatamad na ako magsukat. I will just buy them. Kapag hindi kasya, bahala na." Sinundan ko siya hanggang sa counter.
"One hundred thirty thousand po lahat, Miss."
Napalunok ako. Walang kaamor-amor na inabot niya ang isang black card sa kahera.Napaisip tuloy ako. Gaano kalaki ang sahod ni Mayor? Kurakot ba si Mayor? Saan nangagaling ang ganon karami na pera nila?
"Let's eat."
Napalunok muna ako bago maglakad. We passed by few restaurants when she stopped. Akala ko dahil iyon ang napili niyang kainan pero bumalik siya sa isang restaurant na nadaanan na namin. Dire-diretso siyang pumasok at wala na akong nagawa kundi sumunod.
Nang makita ko kung sino ang nasa lamesa na pinuntahan niya, parang gusto ko umurong at umuwi na.
Another Maniego. The most dangerous Maniego.
There in the table was Hera Jean Maniego, the most intimidating Maniego. She was wearing her glasses while facing her laptop and busy typing. I forgot to tell that she was the President in our school. Kilala siya sa pagiging maldita at prangka. She doesn't filter her words. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba. Siguro 'yon ang dahilan kung bakit wala siyang kaibigan. Tama nga siguro ang kasabihan na, mabibili ng pera ang lahat pero hindi ang isang tunay na kaibigan.
"You can sit down, Anj. 'Wag ka mag-alala, maldita lang 'to pero di 'to nangangain ng tao." Natatawang sabi ni Abby. Tumabi ako sa kanya katapat ng upuan ni Hera.
Tumaas ng kamay si Abby at may isang waiter na lumapit samin. Inabutan niya kami ng menu. Napalunok ako. Ang mahal. Libre niya naman siguro 'to no?
Nag scan ako ng pagkain na pamilyar sakin.
"Nakapili ka na?" Umiling ako.
"I'll order for you then."
"We will have Pesto, Salmon Steak, Tanigue Steak, Nachos Overload and Caesar Salad. Just iced tea for the drinks."
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Teen FictionAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...