Chapter Six"Narinig mo na ang chika?" pagbubukas ni Chins ng usapan. Hindi ko alam kung nasaang lupalop ng daigdig si Jano. Break time namin at sumabay si Chins sakin na bumili sa canteen.
Bukod kay Jano, si Chins ay nakasabay ko din lumaki. Ang pinagkaiba lang, straight si Chins. Si Jano, baluktot. Pati paniniwala sa buhay, baluktot.
Chino Magno was his real name. Kabaklaan lang ni Jano kaya naging Chins ang Chino niya. Kinasanayan na rin namin.
"Alin?"
"'Yong sa Seniors Party." Humigop siya sa hawak niya na juice.
"Ano daw?" Sumubo ako ng Piattos. Sa totoo lang, marami kasing chika tungkol sa Seniors Party. Hindi naman ako interesado. 'Yong mga party na ganyan, mga couples lang ang mag-eenjoy jan. Mga nagliligawan. Mga naglalandian na wala namang label. Kung pwede nga lang, hindi na lang ako aattend.
Sayang ang pera para sa susuotin. Bayad sa catering. Bayad sa pasahe. Bayad sa pagkain. Bayad sa stage. Bayad sa banda na tutugtog. May sound system pa. Marami kang babayaran para lang sa isang gabi na hindi mo rin naman mae-enjoy.
"Kailangan may date diba?" Tumango ako.
Hindi ako natatakot na pumunta ng party mag-isa. Isang advantage ko kay Jano ay siya ang instant partner ko sa mga pagkakataon na kagaya nito. Hindi siya makakatanggi, hindi naman siya pwedeng magsuot ng gown. Hindi rin naman pwedeng lalaki ang maging date niya. At kung mag-iinarte si Jano, anjan naman si Chino. May second option ako. May second choice. May Plan B. Chino can never say no to me.
At kung magkasakit si Chino sa araw na 'yon. May Plan C ako. May mga tropa si Kuya na ka-batch ko. Si Kuya na ang bahalang maghanap ng partner ko. Isang tapik lang ni Kuya sa balikat ng mga 'yon 'di na 'yon makakatanggi.
"You cannot choose your own date." Napatingin ako kay Chino at nangunot ang noo. Nung magpatawag kasi ng meeting 'nong isang araw, ang na-discuss lang ay date, place at contribution.
"Masquerade?" Hula ko. Umiling si Chino.
"Bubunutin daw." Napaisip ako. But then again, wala akong pakialam. Nagkibit-balikat lang ako.
"Mga babae raw ang bubunot ng partner. Ang nakasulat lang ay apelyido ng lalaki na magiging partner nila," dagdag pa ni Chino.
"Hindi naman sakto ang number ng babae sa lalaki. Syempre meron jan na walang partner."
"May mga empty sheets na pwedeng mabunot. Kapag 'yon ang nabunot mo, you can choose not to attend the party. Wala raw fines o punishment." Nabuhayan ako sa sinabi ni Chino. Ibig sabihin, kapag empty sheet ang nabunot ko, di ko na kailangan maghanap ng susuotin na damit at sapatos. 'Di ko na kailangan magbayad ng contribution. Di ako magagastusan. At hindi magiging awkward kung sakali man na hindi ko ka-close ang partner ko.
Nakangiti ako ng malaki ng humarap ako kay Chino. "Kelan daw bubunot?" Nagkibit-balikat siya.
"Mamayang hapon ata."
"As in? Ang bilis naman. Prepared na prepared ang Student's Council."
"Syempre, si Maniego ang Presidente. Ubod kaya ng pagka-perfectionist 'yon." Natawa lang ako sa sinabi ni Chino.
Chino was part of the Council, siguradong na-experience niya na ang kalupitan ng perfectionist na Maniego.
Inihatid ako ni Chino hanggang sa bukana ng classroom ko. Sa kabilang building pa ang classroom niya. We are the same age, same year but different IQ level. Kapag nahihirapan kami ni Jano sa kahit anong subject, lalo na kung worksheet sa math, si Chino ang bahala samin.
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Novela JuvenilAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...