Chapter Fifteen

145 35 0
                                    

Chapter Fifteen

Kumakalmang muli ang langit pagkatapos ng matinding ulan. Kagaya ng feelings, kumakalma kapag matagal mong hindi nakikita 'yong tao na dahilan kung bakit ka nasasaktan. Kaya minsan akala ng iba nakamove-on na sila kahit hindi pa. Kaya biglang bumabalik 'yong feelings kapag nakita nila ulit 'yong tao. 'Yong taong dahilan ng lahat. Lahat ng saya, lahat ng lungkot. 'Yong tao na dahilan ng lahat ng sakit.

Hindi ako aware na pati pala ang feelings may aftershock din. Kapag tumigil ang isang malakas na lindol, sabi nila hindi pa daw safe dahil may aftershock pa. Aftershock na mas matindi. Mas mapanganib. Mas delikado. Mas nakakamatay.

At ang makita siyang ngumingiti kasama ang parehong babae na dahilan kung bakit gumuho ang mundo ko na kasama siya, para akong nilindol ulit. Gumuho lahat ng natitirang pag-asa. Pati ang natitirang pagmamahal para sa kanya, gumuguho na rin. Napaka-sakit. Shit. Ano pa kaya kung naghahalikan na sila? Shit ulit. Shit.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumalikod at lumakad palayo. Kasi masakit. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Shit, ang sakit. At wala akong karapatan masaktan. Walang kami. Wala na ring ako sa mundo niya. Kaya dapat wala na ring siya sa mundo ko. Tama si Jano, magkalimutan na lang kami. Mas maganda. Mas safe. Mas dapat.

***

Pag-uwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para mapatigil. At masaktan ulit. May isang dress na nakasuot na naman sa mannequin. Ipinapaalala sakin ang nangyari noong Senior's Night. Shit. Wala na bang katapusan ang sakit. Sobra na akong nasaktan ngayong araw, hindi ba pwedeng bukas naman 'yong iba? Bukas na lang ulit. Hindi ko na kaya.

Lumabas ako ng kwarto ko at pumasok sa kwarto ni Kuya. Himala, malinis. Ibinaba ko ang gamit ko sa tabi ng kama niya. Naghalughog ako sa damitan niya ng damit na pwede kong suotin. Makikipagpalit muna ako ng kwarto kahit ngayon lang. Hindi ko na kayang alalahanin ang lahat ng nangyari nang gabi na 'yon. Parang torture. Pinapatay ako ng paulit-ulit. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama niya at natulog.

Akala ko sa pagtulog, matatakasan ko ang sakit. Kahit hindi na ako managinip ng maganda basta makatulog lang ako ng payapa at mahimbing. Basta kumalma lang ang dibdib ko. Pero kahit sa pagtulog ay sumusunod sakin ang isang eksenang sampal sa akin ng ilang beses. Pinapa-mukha sakin na hindi kami bagay. Na hindi ako ang para sa kanya. Na kahit, kung sakali, kung sakali man na mahal namin ang isa't isa ay hindi pa rin pwede. Marami pa ring tutol. Marami pa ring hindi pwede.

Dati, isa siyang magandang panaginip na nakikita ko pagpikit ng mata ko para matulog. Ngayon ay isa na siyang bangungot na hanggang sa pagtulog ay sinasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako. Wala akong takas sa kanya. Hangga't mahal ko siya, wala akong takas sa sakit na dulot niya.

**

Tumabi ako kay Kuya na nanonood sa sofa. Busy siya na hindi niya ako pinansin. Isang masakit na alaala na naman ang pumasok sa isip ko. Si Hera. Noong bumisita silang tatlo rito sa bahay.

Hanggang sa simpleng pagtingin sa tv namin, nasasaktan ako. Letseng mga Maniego.

"Bakit mugto mata mo?" tanong ni Kuya habang kumakain kami. Ano bang pake nito? Hindi na lang kumain ng kumain, pati ako pinupuna pa.

"Oo nga naman anak. May problema ka ba?" Yan. Pati tuloy si Papa nagtanong din. Anong isasagot ko? Hays. Letse.

"May drama kami bukas, Pa. Kailangan mugto ang mata."

"At bakit? Ano ba ganap mo?" Si Kuya ang nagtanong. Hindi niya ba maramdaman na wala akong ganang sumagot?

"Intsik kami 'don. Kailangan singkit kami."

"Iba ang mugto sa singkit."

"Kumain ka na." Naiiritang sagot ko sa kanya. Letse talaga 'to.

"Hayaan mo na ang kapatid mo.." Saway ni Papa kay Kuya. "Mukhang mainit ang ulo," rinig ko ring bulong ni Papa.

Sinaway ako ni Kuya nang papunta ako sa kwarto niya.

"Hoy! Sa kabila ang kwarto mo."

"Alam ko."

"E bakit ka sa kwarto ko papasok?"

"Palit muna tayo."

"Bakit?" Nag-isip ako ng dahilan.

"May mannequin don. Katakot."

"Katangahan mo. Kinakausap mo pa nga 'yon bago ang Senior's Night niyo." Napapikit ako. Rumagasa na naman ang sakit. Why am I so vulnerable like this? Mabanggit lang 'yong letseng gabi na 'yon, sakit na naman. Letse, nakakapagod na. Nakaka-buwesit na. Nakakatanga na rin.

"Katangahan mo." Ang tangi kong naisagot sa kanya bago dumiretso sa kwarto niya. Totoo naman ang sinabi ko, nakakatakot. Nakakatakot ang sakit na pwede ko na namang maramdaman. Nakakatakot ang sakit na pwede ko pang maramdaman. Mas nakakatakot pa kesa sa mga laruan na gumagalaw sa gabi sa Toy Story.

"Alisin mo na lang 'yong mannequin, arte mo naman e!" Humarang siya sa pintuan ng kwarto niya.

"Doon ka na lang sa kwarto ko," naiiritang sabi ko sa kanya bago tinuro ang pintuan ng kwarto ko.

"Sige, sa isang kondisyon." Paghuhugasin niya ba ako ng plato sa loob ng isang taon? Okay lang. Kahit yata kotongin niya ang baon ko sa loob ng isang taon, okay lang basta wag ko lang makita 'yong letsa na mannequin na 'yon. Kahit ano okay lang, basta wag na madagdagan pa ang sakit. Kahit ngayong gabi lang.

Inginuso niya ang likuran ko. Lumingon ako at nakita si Papa na may dalang garbage bag. Gusto niyang kunin ko 'yon para hindi sa kanya iutos. Bago pa man niya sabihin ay walang gana akong lumapit kay Papa at kinuha ang garbage bag. Napakatamad ni Kuya, para ilalagay lang sa may poste 'yon e para madaanan ng truck ng basura kinabukasan.

Napatigil ako sa paglalakad palabas ng gate as another aftershock destroys me. Dumoble ang sakit. Kingina, konti na lang manhid na ako. 

Standing outside my house was the storm named Vincent. Siya ang lindol at bagyo na patuloy na sumisira sa katinuan na meron ako.  The storm I am willing to welcome no matter how much it hurts me. No matter how bad of the destruction it may bring.

No matter how much he will hurt me. No matter how  much he will break me. No matter how much he will destroy me.

Habang mataman siyang nakatingin sakin sa ilalim na maliwanag na buwan, I realized something. I love him no matter what the circumstances may be. I will love him no matter what.

Katanga ko nga.

---
LYG|HermosaEscrito|11232019|


Two updates sa loob ng isang araw haha. Pambawi? Nasaktan ako sa chapter na 'to sana kayo din :P. I appreciate the votes and I highly appreciate comments too. Let me hear your thoughts naman.

Malapit na 'to matapos. Kailangan matapos ko 'to bago ang birthday ko 😅.

P.S. Pasensya na ang tamad ko magtype kaya mabagal ang update hehehehehehezzzz

THE LAST KISS (KISS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon