Chapter Sixteen
Pareho kaming tahimik habang nakaupo sa pavement sa gilid ng kalsada. Kahit lumabas sina Papa ay hindi nila kami agad makikita dahil natatakluban kami ng sasakyan niya.
Tumikhim siya. Naghintay ako.
"Kamusta?" Eto nasasaktan dahil mo.
"Okay lang naman." Mapait na sagot ko sa kanya. Mapait, mas mapait sa ampalaya.
"You're out of my reach this past few weeks," Did you even try to reach me? E busy ka sa iba.
"Daming school works e."
"Ah."
Hindi niya ba ako nakita 'nong party para umakto siya ng ganito? Hindi niya ba ako nakita habang nasasaktan ako? Bakit kung magsalita siya ay parang okay lang lahat?
"Sorry." Natigilan ako sa sinabi niya. Wala akong maisagot. Hindi ko man alam ang mararamdaman ko, una ng umatake ang sakit bago ko maramdamam ang sincerity niya. Guilty siya, otherwise hindi siya magso-sorry. Walang ibang lumabas sa labi ko kundi,
"Okay lang." Naramdaman ko ang mas matinding tensyon sa pagitan naming dalawa. Nagsalubong ang tingin namin nang lingunin ko siya. Maigting ang panga niya, nagtitimpi at mainit ang tinging ibinibigay niya sakin.
"Hindi okay 'yon Angie. Hindi kita nasipot 'nong Senior's Night. Hindi okay 'yon."
"Okay lang." Natahimik kami ng matagal. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit kaya nagpaalam na akong papasok na sa loob.
When I saw him earlier, I expected myself to be happy. Akala ko mapuputol ang taling bumibigti at pumipilipit sa puso ko. Akala ko giginhawa sa pakiramdam. Akala ko makakalaya ako sa sakit. Letseng akala.
"You were so beautiful that night, Angie." Natigil ang hakbang ko palayo.
"Mas maganda 'yong date mo." Nagpilit ako ng ngiti sa harap niya. Tumayo na rin siya at lumapit sakin.
"No one can ever be as beautiful as you are." Malamlam ang mga mata niya kung tumingin. Mas lalo akong nasasaktan dahil sa sinabi niya. If no one can be as beautiful as I am in his eyes, bakit may kasama siyang iba? Bakit may ka-ngitian siyang iba? Bakit may iba? If no one can be as beautiful as I am, dapat ako lang. 'Yon lang naman ang gusto ng mga lalaki e diba? Isang magandang babae na pwede nila ipagyabang sa iba.
Matipid siyang ngumiti sakin bago muling nagsalita.
"It's a shame I didn't dance with you that night." Yeah, right. Shame on you.
Tumalikod ako sa kanya ulit. This time, there's no turning back.
"Mahal kita, Anj." Napatigil ako pero hindi ako makalingon. That's the word I wanna hear so bad. That's the word that will give me the right to get jealous. To get hurt. That's the word that will make him mine. I know it's true pero bakit ang hirap paniwalaan?
Pinilit ko humakbang. The distance isn't safe. My sanity isn't safe anymore.
"Mahal kita."
Kinapa ko ang lock ng gate namin para mabuksan iyon.
"Matagal na, Angie. Grade seven pa lang. Ikaw yung babaeng laging hinahanap ng mata ko sa bawat pila. Sa bawat program. Sa bawat introduction number. Ikaw yung babaeng gusto kong makasama sa lahat. Gusto ko makausap magdamag pero ano? Isang tanong, isang sagot ka palagi sakin. Ang sama palagi ng tingin mo sakin. Kapag malapit ako, lumalayo ka. Ikaw yung babaeng abot-tanaw ko lang pero hindi ko malapitan."
Narinig ko ang pagsinok niya. Is he .. crying?
"Is it too late for us now?" I want to face him but I can't. Naduduwag ako.
I love him. He loves me too. Pero bakit kami nasasaktan pareho? Hindi pa kami nagsisimula pero parang nagtatapos na.
Lumapit siya sakin at pumwesto sa harapan ko. Hinawakan ako sa magkabila kong balikat as he look at me with his pleading eyes.
"Say it, Angie." Anong gusto niyang sabihin ko? Whether it is really late for us or not? Hindi ko rin alam ang sagot. If it's already late, may mas ilalala pa ba ang sakit na nararamdaman namin ngayon? And if it's not? Magiging masaya ba kami?
"Sabihin mong mahal mo rin ako, Angie." Ilang beses akong nag-practice sa harap ng salamin kung paano mag-a-iloveyou at mag-a-iloveyoutoo sa kanya. Ilang beses kong inulit at pinangarap. Sauladong saulado ko na. Alam na alam ko na. Pero bakit hindi ko masabi? Mahal ko siya. Alam ko yun.
A tear fell from his eye. And it hurts.
"Sabihin mo lang na mahal mo ko, Angie. I will face storm and earthquakes just for you, just to be with you. Kaya kong iwanan lahat, Angie. Para sayo. Para satin."
We're no longer kids but we're not yet adults. If there is one characteristic that I am very proud of, it is me being realistic.
Marami akong naiisip na scenario dahil sa sinabi niya. Naka-arrange marriage ba siya don sa babae? At itatakwil siya ng pamilya niya kapag hindi siya sumunod? At kaya niyang iwanan lahat para sakin? Hanggang kelan? Lumaki siya sa marangyang buhay. Sanay na nabibili lahat ng gusto niya. Siguro nga kaya niyang iwan ang lahat ng 'yon para sakin pero kapag dumating 'yong panahon na nahihirapan na siya, he will eventually fell out of love. Masasaktan lang ako ulit.
No matter how much I love him and no matter how much I am willing to face chaos with him, I know, I must let him go. That will benefit us both. That may save us from mischiefs and pain.
Huminga ako ng malalim bago sabihin ang mga salitang dudurog sa kanya ngayon at pagsisisihan ko sa mahabang panahon.
"It's too late now." Pinilit kong tingnan siya sa mata. "Do you know why the sky never met the land? Because the sky is too high for the land to reach. You are too high para pangarapin ng isang babae na gaya ko lang."
Pinalis ko ang luha na pumatak mula sa kanyang mga mata. Pinatagal ko ang palad ko sa pisngi niya. I want to feel him this close for the last time. Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya saka bahagyang pumikit. Inihahanda ang sarili niya sa paparating na sakit.
"The moment you enter the venue noong Senior's Night..." Napalunok ako. It's a good thing, his eyes were closed. Hindi ko gustong makita niyang nahihirapan rin ako. I want him to feel like hurting him was nothing to me. So he would hate me or atleast, he would leave.
"The first thing that came to my mind was, yeah, tama nga ako. I realized how you are very different to me. Kahit magkapares ang suot nating damit, we will never fit for each other. Hindi tayo bagay. Hindi ako para sa mundo na meron ka. Naudlot tuloy 'yong feelings ko para sayo."
Binitawan niya ang kamay ko na hawak niya. Did I felt numb already? O na-reach ko na yung highest level of pain kaya parang wala na lang akong maramdaman.
"Thank you for loving me for so long. I may not love you back but please know that I am happy being with you for a short moment. Masaya akong naging parte ako ng buhay mo. Pero siguro, hanggang dito na lang tayo."
Para hindi na tayo mahirapan. Para hindi na tayo masaktan. Para hindi na tayo umasa.
Inalis ko ang kamay kong nakahawak sa kanya at nilampasan siya para pumasok na pero nang dumaan ako sa kanya ay hinila niya ako at binigyan ng isang malalim na halik.
Halik na babaunin ko sa paglalakbay patungo sa daan na hindi ko na siya kasama. Sa daan palayo sa kanya. Halik na siguradong hindi ko malilimutan kailanman. Halik na hindi mapapantayan ng sinuman.
---
LYG|HermosaEscrito|11242019|
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Novela JuvenilAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...