Chapter Thirteen
Ibinaba ko ang cellphone ko sa mesa at nagsimula ng kumain. Hindi ko alam kung bakit parang ang hirap atang lunukin ng kanin ngayon.
Mamayang gabi na ang Senior's Night. Panay ang text sakin ni Abby at Vincent, pinipilit akong um-attend. Sandamakmak na words of wisdom ang natatanggap ko mula kay Chino at puro reklamo galing kay Jano. Gusto niya rin daw magsuot ng ballgown.
"Ako na ang maghuhugas." Presinta ni Kuya. Inilagay ko na lang sa lababo ang plato ko at hinayaan na siya na maghugas. Kahit ako ay naguguluhan kung pupunta ba ako o hindi. Dumiretso ako sa kwarto ko at napatanga sa ballgown na nakalagay na sa isang mannequin. Mas gumanda tuloy itong tingnan ngayon kesa 'nong nasa kahon pa.
Simple lang ang disenyo nito. Tube dress ito na navy blue ang kulay. May gold na belt. Halatang mamahalin dahil sa tela na ginamit. Sabi ni Abby, pinagawa niya pa daw ito para sakin, kapares ng suit ng Kuya niya, dahil akala niya si Vincent ang mabubunot ko. Pero pinaglaruan kami ng tadhana dahil kahit gaano kataimtim ako nagdasal, hindi 'yon nasagot. Maybe that party is not for me or maybe Vincent is really not for me.
I shake my head to remove the thoughts. Marahan akong humiga sa kama at pumikit.
***
Nagising ako dahil sa ingay ng sarili kong telepono. May tumatawag. Pinilit kong inaninaw ang pangalan na nasa screen, medyo malabo pa ang paningin ko dala ng pagkakahimbing. Naputol ang tawag.
Umupo ako at nagkusot ng mata.
26 missed calls. Lahat galing kay Vincent. Hinintay ko siyang tumawag ulit at agad na sinagot ang tawag niya.
"Hey." Narinig kong sabi niya mula sa kabilang linya. Hinintay ko ang sasabihin niya.
"What 'ya doin'?" Napangiti ako sa accent niya.
I cleared my throat before I answer, "Kagigising ko lang e."
"It's already four." Napatingin ako sa orasan. Alas kwatro na nga.
"Are you sure you're not coming?" Hindi ako nakasagot. Hindi pa ako sure. Pero sure akong ayaw kong maglakad sa red carpet mag-isa.
'E maano namang maglakad sa red carpet mag-isa kung makakasama mo naman siya buong gabi?' Kontra ng isang bahagi ng isip ko.
"Um-attend ka na, please?" Hindi ako nakaimik. May ideya ba siya kung ano ang epekto niya sakin? Masyado niyang pinapabilis ang tibok ng puso ko. Nagugulo na naman ang sistema ko.
"Matitiis mo bang wala akong partner?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Paanong walang partner, e may nakabunot ng pangalan niya.
"Ha?" tanong ko sa kanya.
"You heard me. Wala akong partner," mababa ang boses na sagot niya.
"Meron kaya."
"Sabi ko wag na siya um-attend kaya technically wala akong partner ngayon." He sound so proud of what he did.
Hala? Paano naman ang partner niya?
"Hala, bad ka. Buti pumayag?" I heard him chuckled from the other line.
"Sinuhulan ko naman siya e, para 'di na siya um-attend." Natahimik ako sa sinabi niya.
"Look, I won't be in that damn party if I'm not with you. If it's not you, then I won't be there. I won't attend."
"Only you can make that night special."
Nakagat ko ang labi ko sa kilig. Saan ba kinukuha ng Maniego na 'to ang mga sinasabi niya?Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Gusto ko sanang tumili kaya lang nakakahiya kung maririnig niya.
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Novela JuvenilAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...