Chapter ThreeNapatabi ako sa daan ng bumusina ang isang sasakyan na siguradong nasa likod ko. Ilang saglit pa at nakita kong lumampas ito. Bakit ba kasi ang liit ng daan!
Dinukot ko ang cellphone ko at tiningnan kung meron bang mensahe. Wala. Tumigil ako sa may ilalim ng isang malaking puno para sumilong habang naghihintay ng dadaan na tricycle. Hindi nagtagal ay may tumigil na tricycle sa harap ko habang nagpupunas ako ng pawis dahil sa init. Walang laman ang tricycle, walang ibang sakay.
"Sa may Robinson po." Sabi ko sa tricycle driver. Malapit lang kasi ang mall kaya keri kahit tricycle lang. Nang tumango ang driver ay saka lang ako sumakay.
May mga driver kasi na hindi nagsasakay dahil una: namimili ng pasahero, pangalawa: hindi nagsasakay ng isa lang dahil sayang sa takbo, ikatlo: hindi sa mall ang toda nila.
Nang makarating sa mall at makababa sa tricycle ay chineck ko ulit ang cellphone ko pero kagaya kanina wala namang kahit anong text. Napagpasyahan ko na sa loob na lang maghintay at maglakad lakad muna. Pero nang isang oras na ako sa mall at halos nadaanan ko na lahat ay hindi na ako nakatiis at tinawagan si Jano. Letseng bakla 'to, iinjanin pa ata ako.
Unang tawag ko ay si Marian Rivera ang sumagot na nagsasabing busy ang tinatawagan ko. Ikalawang tawag ay ganon pa rin. Napapadyak ako sa inis. Ikatlong tawag ay nagring ang cellphone ni Jano pero hindi niya pa rin sinagot. Hanggang sa makatanggap ako ng text mula sa kanya.
"Sorry bakla. Di ako nakagpaalam kina mudrakels." Napakunot ang noo ko pagkabasa sa text ni Jano. Kelan pa siya natutong magpaalam kina Tita Tes?
'Niloloko mo ba ako? Hindi ka naman talaga nagpapaalam kina Tita ah. Bilisan mo na naiinip na ako.' Gigil na gigil kong pinindot ang sent button. Wala pang isang segundo ay may reply na si bakla.
'May pupuntahan pala sila e. Taong bahay ako ngayon, dai.' Napahinga na lang ako ng malalim nang mabasa ang reply ni Jano.
"Sorry." Basa ko sa sumunod na text ni Jano.
Wala na rin naman akong magagawa. Sayang naman ang pamasahe kung uuwi na ako dahil lang sa wala si Jano. Dahil sa hindi ko rin alam lahat ng materials na kailangan bilhin, tinawagan ko si Jano. Mabuti naman at sinagot niya agad.
"Bakla, sorry," panimula ni Jano sa kabilang linya.
"Hayaan mo na. Wala na tayong magagawa nasa mall na ako," sagot ko sa kanya. "Ipasa mo sakin yong mga materials na bibilhin. May nasearch ka ba na idea tungkol sa project natin?" dagdag na tanong ko sa kanya.
"Sorry talaga bakla ah," muling sabi ni Jano sa kabilang linya.
"Okay na yon. Hayaan na nati---" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya ulit sa kabilang linya.
"Wala akong nasearch bakla. Sorry. Ikaw na lang ang bahala ha. Alam ko namang yakang yaka mo yan." Napabuga ako ng hangin.
"So anong maitutulong mo sa project natin na 'to?" Nagtitimping tanong ko sa kanya. Minsan nakakainis talaga si Jano, lahat na lang asa.
"Ako na bahala sa bibilhin, tapos ikaw magbabayad?" dagdag na tanong ko sa kanya.
"Wala akong pera," mababa ang boses na sagot niya mula sa kabilang linya.
"Bibili lang ako ng materials. Ididiscuss ko sayo ang gagawin tapos ikaw na gagawa?" tanong ko ulit pero alam ko na ang isasagot nito.
"Wala akong talent sa arts bakla, alam mo yun." Napairap ako sa hangin. Sabi na nga ba.
Pinutol ko na ang pagdradrama niya. Narinig ko na yun ng ilang beses.
"So anong gagawin mo? Anong maitutulong mo sa project na to?" Naiinis na tanong ko sa kanya. Pero mukhang hindi tinablan ng inis ang bakla dahil masigla pa itong sumagot sa akin ng, "Edi support!"
"Anong klaseng support? Hinayupak ka."
"Moral support," proud na sagot niya sakin. Ibinaba ko na ang telepono. Bahala siya sa buhay niya.
"Why the long face?"
Napatingin ako sa gilid ko nang makarinig ako ng boses na nagtatanong kung bakit ako nakasimangot. Take note, maarteng boses.
Napaayos ako ng upo ng makita ang babaeng anak ni Mayor. Ano bang meron sa mga anak na 'to ni Mayor lagi ko na lang silang nakakasalamuha? Parang noong isang linggo lang ay ginulo ng Kuya niya ang sistema ko, wag mo sabihing siya naman ang nakatokang manggulo sa sistema ko ngayong linggo?
"Why are you here?" Medyo malditang tanong nito sakin.
"May bibilhin lang na project." Maikling sagot ko sa kanya. Napatango naman ito.
Naka-dress ito at may nakasabit na pulang handbag sa siko, sa tabi niya naman ang yaya niya.
"Would you mind joining me then? Mukhang hindi na din naman pupunta ang kasama mo." Tanong nito. Napaisip ako.
Ang Maniegong ito ay kilala sa pagiging spoiled at maarte. She gets what she wants kaya mukhang hindi maganda kung tatanggi ako sa kanya. She bullies everyone who annoys her.
"Sige na. We can buy your project materials first tapos saka mo ako samahan. Okay?" Kumikinang ang mata na suggestion niya. Wala akong nagawa kundi tumango. Gusto ko maka-graduate ng tahimik and getting to her bad side means chaos.
Napatalon at napapalakpak ito sa tuwa.
"Sige na Yaya, you can go home na. I will just call Manong Lando kapag pauwi na ako. Go." Mataray na paghahabog nito sa Yaya na kasama pagkatapos ay malaki ang ngiting humarap sakin at umangkla sa braso ko.
I'm not picky pero it's uncomfortable. Hindi kami close o kahit nag-uusap manlang. Iniiwasan ko talaga na makasalubong siya kahit saan dahil nga isang siya Maniego, at lahat ng Maniego ay delikado. She was childish and spoiled. Wala siyang pakialam sa paligid niya basta makuha niya ang gusto niya. Hanging with this kind of people is dangerous. Basta ka na lang nilang itatapon kapag hindi ka na nila kailangan, kapag wala ka ng silbi.
She's acting so friendly. Anong pinaplano ng Maniego na 'to?
Imbes na sa J&S Shop pumasok ay hinila niya ako sa National Book Store. Hays, baka kulangin ang pera ko nito. Sinubukan ko umangal sa kanya pero she just shushed me. Dahil wala pa rin namang matinong idea para sa project ay bumili lang ako ng sa tingin ko ay magagamit ko. Pagkalabas sa NBS ay agad niya akong hinila papasok sa isang shop ng damit na katabi lang nito.
Mukhang ako ang papahirapan niya magbitbit ng mga ipapamili niya ah? Is this how she will bully me? Aalilain niya ako ngayong araw?
----
LYG|HermosaEscrito|10032019
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Fiksi RemajaAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...