Chapter Five

188 56 0
                                    


Chapter Five

"Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
Di na mapipigilan
Pag-ibig na k----"

Mabilis akong bumaba ng tricycle para makalayo kay Jano. Mukhang sinadya niya ata na pumunta ng bahay at sabayan ako pagpasok para lang mang-asar. Napahawak ako sa pisngi ko na siguradong namumula dahil sa pang-aasar ni Jano.

"Aroy, nagba-blush. In denial pa kasi," hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jano.

"Tigilan mo 'ko Jano ha. Agang-aga." Banta ko sa kanya.

"Sige, mamaya na lang hapon." Minsan ang sarap talaga sakalin ni Jano.

*****

"Anjan na si Mam!" Sigaw ng isang kaklase ko na nasa labas. Agad na nagpuntahan sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko na nakatumpok sa isang tabi at may kanya kanyang ginagawa. Isinara ko ang binabasa ko na pocketbook.

Pagpasok ni Mam Rose ay agad kaming tumayo at bumati.

"Good Morning, Mam."

Pinaupo na rin kami agad ni Mam at agad niyang inayos ang laptop niya at kinonekta ito sa TV. Kaya lang walang nangyari.

"Sino may HDMI?" tanong ni Mam sa klase. Walang may dala o walang may HDMI.

"Jano, hiram ka naman sa kabila ng HDMI para mapanood niyo 'yong movie na ginawa last year." Utos ni Mam kay Jano dahil mas malapit siya sa pinto.

"Nabanggit ko na sa inyo na gagawa kayo ng movie hindi ba? At iaaply nyo 'don 'yong mga camera angles na pinag-aralan natin. Pero bago kayo gumawa, magpapasa muna kayo ng script. I will group your class into three. Ipapasa ko na lang sa gc natin ang groupings."

"Panunuorin muna natin ngayon 'yong ipinasa last year. Hintayin lang natin si Jano."

Napaayos ng upo ang lahat nang magsimula na ang movie. Actually, may ideya na kami kung sino 'yong magkakagrupo last year dahil pinost nila sa facebook yong movie poster nila at nanghingi ng likes.

'Yong movie ng unang grupo ay tungkol sa grupo ng magkakaibigan na sabay sabay lumaki and as time goes by, nagkakaroon na sila ng ibang kaibigan na naging dahilan kung bakit hindi na sila kagaya ng dati. May secrets na. Parang hindi na nila kilala ang isa't isa.

Medyo magulo ang editing, may mga scene na matagal na stock ang camera sa isang place at wala namang nangyayari. Halata ring dadalawang lugar lang ang pinag shooting-an. Halatang minadali ang movie nila dahil kahit iba na ang scene hindi nagbabago ang damit ng characters. Halatang hindi saulo ng cast ang script at ilang beses silang napatingin sa camera kahit na dapat ay sa kausap nila sila nakatingin.

Ang sunod na movie ay tungkol naman sa isang babae at lalaki na na-love at first sight sa isa't isa. Kaya lang na-engage 'yong babae sa anak ng isang business partner ng pamilya nila. Later on, nalaman nila na bata pa lang sila ay magkakilala na pala sila. They were each other's first love kaya naniwala sila na they were destined to be together. Ilang beses silang sumubok na ipaliwanag sa magulang 'nong babae kung gaano nila kamahal ang isa't isa pero tutol talaga ang mga ito hanggang sa nabuntis 'yong babae na lalong ikinagalit ng mga magulang niya kaya pinapatay ng mga ito 'yong bidang lalaki.

Maganda 'yong movie. Maayos ang editing. Maayos ang acting ng mga cast. Maganda ang takbo ng kwento.

At sa huling grupo, halos naghiyawan lahat ng babae. The great Vincent Maniego was a second lead in this movie. Sa kwento, karibal niya ang sarili niyang kapatid sa isang babae. The girl was his first love but the girl was inlove with someone else--with his brother. Kaya hindi na rin niya ipinaglaban pa. Nagparaya siya sa kapatid niya at mas nag focus sa pag-aaral niya. At the end of the movie, his brother and his first love got married and lived happily ever after habang siya ay nakatapos ng medisina. The last scene was him buying coffee and bumping to some girl and falling inlove.

Nag-iritan ang lahat ng ngumiti siya sa babae sa pelikula. Pinakamalakas na irit ay galing kay Jano. Marami ang mga kaklase ko na naghampasan sa kilig. Ofcourse, 'yon ay dahil bihira lang ngumiti ang Maniego na 'yon. As for me, that was the first time I saw him smile and the rumor was true: Mas gwapo siya kapag nakangiti.

"Sssh!" saway ni Mam sa klase.

"Hindi ko na kayo imi-meet. Basta ipasa sakin ang script next week. You still have 5 days para gawin 'yon. No script, no movie. No movie, no midterm exam. This movie will serve as your midterm examination in my subject kaya kung hindi kayo makakapasa, wala kayong grade. Uulitin ko, walang script at hindi kayo makakagawa ng movie. Kapag naapprove-an ko ang script niyo saka pa lang kayo pwede gumawa ng movie. Goodbye."

"Goodbye and Thank you Mam."

Si Mam Rose lang ang teacher na umattend samin ngayong araw, 'yong ibang teacher ay busy o kaya nasa seminar.

***

"Punta raw lahat sa gym!" Sigaw ng Presidente ng klase namin.

"Uwian na diba?"

"Bakit daw?"

"Ala! May date pa ako!"

"Bakit? Pinapauwi na ako ng nanay ko!"

"Oy pengeng pulbo!"

"Peram suklay."

Lumapit si Jano sa pwesto ko.

"Meeting daw para sa Seniors Night."

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa balikat. Sabay kami ni Jano na pumunta ng gym.

"Oh my gassh!" impit na sigaw ni Jano. Tiningnan ko siya at may inginuso siya sa kabilang bahagi ng gym.

Saglit na naghinang ang mga mata namin. Di ako nakaalis sa pwesto ko. Hindi niya inaalis ang tingin niya sakin. Napalunok ako. Nakita ko rin ang paglunok niya. Humakbang siya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat.

"Pag-ibig na kaya?
Pareho ang nadarama
Ito ba ang simula?
Di na mapipigilan
Pag-ibig na itooo
Sana'y di matapos ang nadaramang ito
Pag-Ibig Na Kaya ito?"

Napakurap ako ng marinig ko ang kanta ni Jano. Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Tumalikod ako sa kanya. At humakbang palayo.

"Walk-out?" habol sakin ni Jano.

"Hindi na maaga, hapon na. Pwede na siguro kita asarin."

Pero hindi ko pinansin ang sinabi ni Jano. Hindi ako makahinga ng maayos. 'Yong tibok ng puso ko, hindi normal. Mabilis. Masikip. Mabigat.

---
LYG|HermosaEscrito|10092019|

THE LAST KISS (KISS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon