Chapter Nine"Oorderin? Wala akong alam na pwedeng pag-order-an nang artificial na cherry blossom trees," sagot ko sa kanya.
Kanina pa akong tapos kumain pero ang Señorito na ito ay sobrang bagal ngumuya. Nakasabay ko na kumain ang mga kapatid niya na babae at hindi naman sila ganito ka-graceful kumain. Gown at wig na lang ang kulang pwede na siyang prinsesa.
"Sssh! I'm still eating."
Napaikom ako ng bibig. I checked my phone kahit hindi naman ako nag-eexpect na may magtetext.
"So, that Chino-boy---" I waited for his next words pero 'di niya na tinuloy. Na-curious tuloy ako.
"What about Chino?" Matagal siyang tumitig sakin bago umiling.
"Alam mo na ba?"
"Alin?" Kunot ang noong tanong niya sakin. Seriously, pwede siyang endorser, ultimong pagsubo ang gwapo.
"May crush 'yon sa kapatid mo."
"Kanino? Kay Alvin?"
"Haha gago." Napaikom ako ng bibig. Shet.
"Minura mo ko?" Umiling ako. Ngumiti siya.
"Say it again."
"Alin?"
"Curse again."
"Gago?"
"'Wag ka na magmumura ulit." Tumango ako.
"Okay, 'di na ako magmumura," sa harap mo. Napanguso ako. Si Papa nga, hindi ako sinasaway e. Akala mo naman hindi siya nagmumura.
"So sino sa mga kapatid ko?"
"Si Hera." Tumawa siya. I know, kahit kami ni Jano, 'nong una niyang sinabi samin 'yon ilang minuto rin kaming tumatawa. It's funny to hear na ang matalik naming kaibigan ay may gusto sa Maniego na 'yon. Hera was known for being bossy, perfectionist and picky. Hindi naman sa hindi ideal na babae si Hera, it's just that, with her character, baka walang lalaking makapasa. Kaya nga kahit marami rin naman ang nagkakagusto kay Hera, nagba-back out na lang kasi alam naman nilang walang pag-asa. Imposible.
"Alam mo bang kaya sumali sa Council si Chino?" tanong ko sa kanya. Uminom muna siya bago sumagot.
"Dahil kay Hera?" Tumango ako.
"Tuwang-tuwa 'yon 'nong makapasok sa Council, nilibre pa kami ni Jano sa Mcdo tapos after a week, sabi niya ayaw niya na kay Hera," sabay kaming natawa.
"Hulaan ko kung bakit,"
"Napagalitan siya ni Hera 'no?" Tumango ako.
"Someone as faint-hearted as him, hindi talaga siya tatagal kay Hera. The more irritated she is, the more offensive words she say." We both chuckled.
"Akala ko ikaw ang pinopormahan 'nong Chino na 'yon e." Napalunok ako. Kalma, heart. Kalma.
***
"Nuod tayo sine?" Aya niya nang mapadaan kami sa sinehan. Pero teka? Hindi ba kami hahanapin sa school?
"Baka hanapin tayo," sagot ko sa kanya
"Ako na bahala kay Hera," hinila niya ako hanggang sa bayadan ng tickets. Habang nakapila ay hinugot ko ang wallet ko para kumuha ng pera pero paglingon ko sa kanya ay inabot niya sakin ang ticket naming dalawa.
"Maleficent?" tanong ko sa kanya pagkakita ko sa ticket
"Oo. Ayaw mo?" Umiling ako.
"Hindi naman. I just never thought you're a .. fan."
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Teen FictionAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...