Chapter Ten
This past few days, everything was hectic. Maraming projects, worksheets at assignment na biglang ipinapasa ang mga teacher. Dumagdag pa ang decoration para sa Senior's Night at sa paparating na Foundation Day. I fished my phone out of my pocket para tawagan si Vincent. Problems started to arise altogether.
"Hello?" Bungad niya mula sa kabilang linya. Napalunok pa muna ako bago sumagot.
"Ahm, hello. Tatanong ko lang sana kung nagreply na ba sayo 'yong seller?" mahina ang boses na sagot ko sa kanya.
"Hindi pa e. Don't worry nabanggit ko na kay Hera 'yong tungkol nga sa naging issue natin 'don sa artificial cherry blossoms.. na hindi nga natin ma-contact 'yong seller."
"Anong sabi niya?"
I know I should be the one talking to Hera regarding the issue dahil sakin niya in-assign 'to pero nakakatakot kasi si Hera e. Lalo na nga at hectic na lahat. Papalapit na rin ang Foundation Day at Senior's Night. Nabanggit ni Chino na sobrang daming problema ngayon. Noong meeting daw para sa preparation ay okay na lahat pero 'nong isang araw, andaming naging problema bigla. Mula simpleng decoration ng mga booths, rides at banda na tutugtog. Parang nagsimula ulit sa umpisa. Nasayang 'yong halos isang buwan nilang pagpe-prepare.
"Hindi umimik e." Napapikit ako sa sagot ni Vincent.
"Plan B na lang, Anj."
Sa katunayan may naisip na talaga ako na Plan B. May Plan C na rin kaya lang 'yong mga naisip ko malayo sa theme ng Senior's Night.
"May naisip na ako kaya lang malayo sa theme e," I told him honestly. Lately, Vincent was always there for me. Mula sa pinaka-simpleng naubusan ako ng papel o nawalan ako ng ballpen, ginagawan niya ng paraan. For every problem that I have, he hold the solution. Hindi ko alam kung paanong nangyari na mula sa masungit at supladong Vincent na ayaw na ayaw ko, he became the Vincent that I always want to be with, to talk with. Pero no matter how poisonous those feelings are, ilang beses kong pinagsasabihan ang sarili ko, ilang beses kong itatatak sa isip ko kung sino siya at kung sino lang ba ako. Ilang beses kong pinipigilan ang sarili ko. Dahil 'yon ang tama. Dahil 'yon ang dapat.
Easy things doesn't last. 'Yong mga bagay na mabilis nating nakuha, mabilis din nawawala.
"I suggest, mag-focus ka na lang muna sa Plan B mo, hayaan mo ng malayo sa theme, ang mahalaga maging successful ang decors para sa Senior's Night, okay?"
"Okay. Bye."
Narinig ko ang buntong-hininga niya kaya hinintay ko kung may sasabihin pa siya. Matagal na natahimik ang linya bago niya rin ibinaba. Napakunot ang noo ko. It feels like may gusto siyang sabihin pero bakit kaya hindi niya sinabi?
"Tara na, bakla."
Itinabi ko ang cellphone ko pabalik sa bulsa ko nang kulbitin ako ni Jano. Sabay kaming naglakad pabalik sa classroom. Pagkapasok pa lang namin halos nagkakagulo lahat.
"Ano meron?" tanong ko kay Jena na malapit sa pintuan nakaupo.
" 'Yong worksheet ni Ms. Macalili, hanggang 10 am na lang daw."
"Hala!" Nabulalas ni Jano pagkatapos marinig ang sinabi ni Jena. Hala talaga, dapat next week pa ang pasahan non e. Naglakad na rin ako pabalik sa upuan ko para tapusin ang worksheet ko. Buti na lang talaga nasimulan ko na 'to.
Ilang beses ko ng narinig ang pagmumura ng baklang si Jano, kada galaw ata ng ballpen niya ay siya ring paglabas ng mura sa bibig niya. Panigurado nagsisimula pa lang 'yon, inuna na naman siguro ang panunuod sa YouTube o pagtambay sa basketball court para manuod sa mga pawisang basketball players. Hays.
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Dla nastolatkówAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...