Epilogue

204 29 0
                                    

Being the first born, I always get the things that I want. My grandmother spoils me. Reason? I am the heir. I am their heir. My father, being a politician, can't handle the family business well. He rather be in the street, sweeping with his people than to sign contracts and attend meetings. He is a good leader, a good Mayor but not a very good father. Not a very good husband because if he is, we won't grow up without a mother. Someone will attend the PTA meetings, not grandma. Someone will prepare breakfast, not Manang. Someone will comfort my sisters, not me.

"Hera Jean, get out!" Sigaw ko kay Hera nang pumasok siya sa kwarto ko.

"E naririnig ko ang ingay ni Abby, hindi ako makapagbasa. Dito muna ako, Kuya." How could I say no when she is already sitting in my bed with her earphones on. I shake my head and leave my room instead, I need to get some cold drinks.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay narinig ko nga ang ingay sa kwarto ni Abby, pati na rin ang pagdra-drums ni Alvin. Kwarto ko lang ang may sound-proof dahil nirequest ko kay Grandma. Hera should request, too.

Pagkababa ko hanggang sa kusina ay narinig kong nanjan ang mga kumag kong kaibigan, kausap ni Manang.

"Sige, tawagin ko lang si James," narinig kong sabi ni Manang. Nakatalikod siya sa direksyon ko kaya sigurado na hindi niya pa ako nakikita. Napansin agad ako ng kaibigan ko na si Ash at agad siyang kumaway sakin na parang bata. Napalingon ang iba pati na rin si Manang.

Agad na ngumiti sakin si Manang at iminuwestra na papasok na siya sa loob. Tumango naman ako. Naglakad kami ng mga tukmol papunta sa sala ng bahay namin. Nagkanya-kanya sila ng upo at taas ng paa.

"Anong ginagawa niyo dito?" agad na tanong ko sa kanila. Kailangan ko na silang mapaalis agad, sayang ang meryendang ihahanda ni Manang para sa mga bwisita ko.

"Ayain ka namin mag-basketball," sagot ni Jack. Itinuro ko ang likod ng bahay namin kung saan may basketball court kami. We used to play here a lot when we were kids. Every weekends. After classes.

"Sa school sana, bro."

"Bakit?"

"Mas malaki ang court," sagot ni Kim

"Mas maganda ang ambiance," sagot ni Jack

"May chicks don, taga-cheer," si Ash. Kahit kelan chickboy talaga. Napailing na lang ako.

"Diba? Lalo na sa mga bagong estudyante, section B, maraming magaganda. Palibhasa, busy kayo sa mga cellphone niyo 'nong opening ceremony, hindi nyo nakita."

Actually, I saw one. Nagkita rin ako ng maganda 'nong opening ceremony, syempre hindi lang naman si Ash ang may mata kasi.

"Tara na," parang batang aya ni Ash samin. Nagkatinginan kaming tatlo nina Jack at Kim. Kung hindi namin pagbibigyan ang chickboy na 'to, guguluhin lang nito ang tahimik naming buhay.

"Papaalam lang ako kay Hera." Agad akong umakyat pabalik ng kwarto ko. I saw Hera sleeping in my bed kaya nag-iwan na lang ako ng note. Kinatok ko si Alvin at nagpaalam pero iningusan lang ako. Bastos na bata. Kumatok rin ako kay Abby, nakapagpaalam naman ako sa kanya, nagbilin rin pero hindi ko alam kung naintindihan ba niya dahil hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto niya ay pinalabas niya na ako agad. Letse.

Pinuntahan ko si Manang at sa kanya lang ako nakapagpaalam ng maayos.

***

Dalawang oras lang kami naglaro dahil nanawa din agad si Ash, paano wala ang mga babaeng ini-expect niya. Sa mga grade 10 nagchi-cheer ang mga ito, hindi pinapansin ang pagpapa-cute niya. Idagdag pa na inilalampaso kami ng grade 10. Alam ba nilang hindi naman actual ang game na 'to? Masyado nilang sine-seryoso, ang yayabang. Hintayin lang nila, kapag tumangkad kami ng konti, patay sila samin. Sila ang ishu-shoot namin sa ring.

THE LAST KISS (KISS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon