Chapter Two
Alas singko y media pa lang ng umaga ay gumigising na ako para pumasok. Matagal kasi ako maligo at magbihis e.
Hindi kalakihan ang bahay namin hindi rin naman sobrang liit. Sakto lang ang bahay para sa amin nina Papa. Meron kaming gate na bakal na kasing tangkad ko lang. Walang second floor ang bahay namin pero hindi naman kami pinapasok ng tubig kapag tag-baha. May balkonahe ang bahay namin. Pagpasok ay bubungad ang sala at sa kanan ay dalawang kwarto. Tatlong hakbang mula sa pintuan at mararating ang kwarto ni Kuya na katabi lang ang kwarto ko. Katapat naman ng kwarto ko ang kwarto ni Papa. Ilang hakbang at kusina na.
Simpleng bahay para sa aming tatlo. Hindi man kalakihan at kamamahal ang mga furnitures ay sapat na ito sa akin. Hindi na ako naghahangad pa.
Isang katok sa pinto ang tuluyang gumising sa diwa ko.
"Nak, gising na. Malapit na mag alas-sais. Tatanghaliin ka."
Hindi uso sakin ang mag-inat kaya naman agad akong bumangon. Ibinaba ang switch ng aircon at lumabas na ng kwarto. Nakita ko si Papa na nagkakape habang nagpriprito ng hotdog. Ngumiti ito sakin. Dumiretso naman ako sa banyo pero sarado.
"Nanjan ang Kuya mo, nak. Maaga raw papasok," sabi ni Papa.
Napabulong naman ako ng, "Himala." Madalas na late siya e palibhasa college na. Ako ay papasok na sa school pero tulog pa siya.
Wala akong choice kundi kumain na muna. Umupo na ako sa lamesa at agad namang nilapag ni Papa ang plato na may sinangag na kanin at hotdog, tumalikod siya saglit para kumuha ng kutsara at tinidor.
"May baon ka pa ba Angie?" tanong sakin ni Papa ng matapos akong sumubo. Tumango naman ako sa kanya.
"Sigurado ka ba?" tanong niya ulit. Muli akong tumango.
"Kumain ka na rin, Pa. Wag mo na kami alalahanin ni Kuya malaki na kami." Hindi makatingin na sabi ko sa kanya. I'm not the sweet type of daughter siguro kasi ... awkward?
Saktong paglabas ni Kuya ng banyo ay tapos na akong magsepilyo kaya pumasok na ako ng banyo para ako naman ang maligo. Lampas alas sais na. Nang matapos maligo ay nagtaka ako kung bakit wala yong bathrobe ko pero may isa rito na mukhang bago.
"Pa! Yong robe ko asan?" sigaw ko kay Papa mula sa loob ng banyo. Rinig ko ang yabag ni Papa palapit sa banyo.
"Nanjan nakahanger tingnan mo." Sagot niya mula sa labas ng banyo.
"Wala yong pink e. Yellow ang nandito."
"Ah, binilhan kita ng bago nak. Iyang yellow ay sayo. Kupas na kasi yong pink na robe mo e."
Sandali ko pang tinitigan ang yellow na robe bago ito sinuot. Sa tela pa lang ay alam ko na agad na hindi ito kagaya noong dati kong roba. Mas malambot ito. Mas kumportable. Siguradong mas mahal.
Paglabas ko ng kwarto ay bihis na ako at nakasapatos na rin. Handa na talagang pumasok. Palabas na ako ng pinto ng makita kong nakaupo si Papa sa sofa at nagsasapatos.
Hindi ko mapigilan ang pangilidan ng luha nang makita kong halos tuklap na ang sapatos na itim ni Papa. Nakaawang na rin ang swelas. Agad akong naglakad palabas na parang walang nakita.
Kelan ko nga ba huling nakita na bumili si Papa ng para sa kanya? Bata pa lang ata ako ay sapatos na iyon ni Papa. Mukhang mas matanda pa sakin ang sapatos na iyon.
Madiin kong inilapat ang mga palad ko sa aking mata. Pinipigil ang hikbi. Pinipigil ang pagluha.
"Oh Angie. Anong problema?"
Nakailang lunok muna ako. Alam kong nasa likod ko lang si Papa. Hindi ko magawang lingunin siya dahil baka mapansin niya na umiyak ako. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Angie," pagtawag niya sakin. Binaba ko ang kamay ko pero nakapikit pa rin ang mata ko ng humarap ako kay Papa. Baka kasi mapula.
"Napuwing ako, Pa. Ang lakas ng hangin paglabas ko." Laking pasasalamat ko na may talent ako sa pagsisinungaling.
"Akin na. Hihipan ko." Naramdaman ko ang dalawang kamay niya na humawak sa magkabilang pisngi ko. Iminulat ko ang mata ko at hinipan niya iyon. Dalawang hihip.
"Okay na ba?" tanong niya. Tumango ako.
"Gusto mo bang ihatid na kita?" tanong niya. Makailang lunok man ay hindi ako makapagsalita. Para bang may malaking bagay na nakabara sa lalamunan ko. Naiiyak na naman ako.
Umiling ako at nagpilit ng ngiti. Lumunok ng isa. At isa pa.
"Da-dadaanan ko pa si Jano, Pa. Tulungan ko raw siya magdala ng project namin." Buti na lang at hindi na siya nagtanong pa. Agad akong tumalikod. Nakakailang hakbang na ako palayo sa bahay nang sumigaw siya.
"Wag ka papaligaw don kay Jano ha. Feeling ko talaga bakla 'yon!" at narinig ako pa ang pagtawa niya.
Gusto ko ring matawa at sumigaw pabalik para sabihing 'Bakla talaga yon Pa! Mas kire pa sakin. Atsaka crush non si Kuya!'
Pagdaan ko sa malaking puno ay napatigil ako sa paglalakad. Napaisip. Napaluha.
Ni minsan ay hindi ko naramdaman na si Papa lang ang meron kami. Dahil higit sa sinuman ay kami ang palaging inuuna ni Papa. Si Papa pa lang ay sapat na. Sobra pa. Kahit alangan sa pera at sa dami ng gastusin ay never niya kaming tinipid. Mag-isa niya kaming tinaguyod ni Kuya. Mag-isa niyang ibinigay lahat ng pangagailangan at luho namin. Ni minsan ay hindi siya nagkulang sa pag-aaruga.
Ni minsan hindi ako nagtanong kung bakit wala kaming nanay. Sapat ng sagot ang madalas na pagkatulala ni Papa, ang pag-iyak niya sa gabi bago siya matulog sa pag-aakalang tulog na kami at hindi na namin siya maririnig, sapat ng impormasyon ang tsismis ng mga kapitbahay at walang kwenta naming kamag-anak na nagsasabing sumama sa ibang lalaki ang nanay namin. Sa isang mas mayaman.
Napaiyak ako lalo ng maalala ang sapatos ni Papa. Naalala ko ang kupas niyang polo at pantalon. Mabibilang ang damit ni Papa, kahit ang mga gamit niya.
Nakukuha niyang ibigay ang lahat sa amin ni Kuya pero hindi niya kayang bigyan ang sarili niya.
Isang haplos sa likod ang nakapagpatigil sakin.
"Male-late ka na. Mamaya ka na ulit magdrama. Oh!" agad kong inabot ang panyong inaabot ni Kuya. Walang imik niya akong ipinara ng tricycle. Umipod ng kaunti ang nasa loob ng tricycle para makaupo ako ng ayos kaya nagkaroon ako ng kaunting oras para iabot pabalik kay Kuya ang panyo niya.
"Wala kang etiquette dapat nilabhan mo muna," at inirapan niya pa muna ako bago kinuha sa kamay ko ang panyo.
---
LYG|HermosaEscrito|09292019|
BINABASA MO ANG
THE LAST KISS (KISS SERIES #1)
Novela JuvenilAngie has always been careful. She always put a line between the things that she can have and the things she can never have. Kaya bago pa man siya maghangad ng isang bagay na alam niyang hindi niya makukuha--- dumidistansya na siya. Nilalayuan niya...