Chapter Fourteen

153 33 0
                                    

Chapter Fourteen

Bumalik sa normal ang lahat. Maliban sa kirot na nararamdaman ko halos araw-araw. Maliban sa isip kong nakahiligan ata ang mag-overthink. Maliban rin sa mga  Maniego. Dati, isang Maniego lang ang iniiwasan ko, ngayon tatlo na.

"Tapos mo na rin 'yong kay Sir Jonas?" Tumango ako sa tanong ni Jano bago ibinalik ang tingin sa librong binabasa ko.

"Pansin ko lang, balik pagbabasa ka? Why? Wala ka ng ka-text?" Natigil ako sa pagbabasa pero hindi ako nag-angat ng tingin.

Oo, wala ng ka-text.

"Wala na akong load," tipid na sagot ko kay Jano. Tumahimik na rin siya pagkatapos.

Dumaan ang maghapon na wala namang mahalagang nangyari. Gaya ng dati, may mga teacher na hindi uma-attend ng klase kaya bakante kami at may oras para gumawa ng project at assignment sa ibang subject. Gaya ng dati, stuck akong kasama si Jano maghapon. Stuck makinig at tumawa sa mga jokes at kabaklaan niya. Gaya ng dati, diretso uwi pagkagaling sa school.

Halos isang buwan lang nagbago ang routine ko pero parang ang daming nagbago. Halos isang buwan na nagulo ang sistema ko. Halos isang buwan lang akong wala sa sarili pero bakit ganito? Parang hindi ako kumpleto? Parang may hinahanap ang katawan ko, ang mata ko. Pati ang tibok ng puso ko parang kakaiba kahit normal naman.

Ang daming nangyari sa loob lang ng isang buwan.

****

"Sa J&S Shop na lang tayo magkita." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Jano.

"Tapos hindi ka na naman pupunta?"

"Wag ka mag-alala. Nakapag-paalam na ako kina mader and pader atsaka for sure andon na si Baby Chins." Si Chino ang tinutukoy niya.

Sa isang linggo ay may outreach program na isasagawa ang school namin. Pumili ang Council ng magandang lugar na pagdausan ng outreach program bilang pagce-celebrate sa 45th founding anniversary ng school. Kailangan namin magbigay ng regalo sa mga barangay officials na nandon. Limang tao ang maximum sa isang regalo, tatlo naman ang minimum. Lahat ng estudyante ay kailangan magbigay ng regalo kahit hindi sila kasama sa mismong outreach. Council at ilang piling estudyante lang ang kasama dahil gaganapin iyon sa loob ng tatlong araw sa isang medyo liblib na lugar. May kasamang ilang guro at ilang tao mula sa munisipyo. Hindi ko pa alam kung kasama ako, pero sana ay hindi.

Ibinaba ko ang linya at tumayo na para maligo. Nakakahiya naman kay Chino kung maghihintay siya ng matagal. Sigurado namang pupunta si Jano dahil date rin naming tatlo ngayon. Napag-planuhan na manood na rin kami ng sine at mag-window shopping.

Bago tuluyang umalis ng bahay ay itinext ko ng ilang beses si Chino pero hindi siya nagrereply. Tinawagan ko rin pero nagri-ring lang, hindi niya sinasagot. Nang maisipan kong baka naliligo o nagbibihis ay sumakay na rin ako sa dumaang tricycle.

****

Inaasahan kong makita si Chino sa labas ng shop dahil 'don ang usapan naming meet-up at dahil na rin malapit lang ang bahay nila dito. Pero imbes na si Chino, si Jano ang nandon. Isang himala.

"Ano nangyari sayo?" Palatak niya nang makalapit ako. Hinampas pa ako sa balikat.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nakita kita kanina sa malayo. Kung makatingin ka sakin akala mo naman prince charming mo ako na naghihintay sayo rito para sa date natin," eksaheradang pagkwekwento niya. Natawa naman ako.

"Fyi, pareho tayong prinsesa 'no! At ang prince charming natin ngayong araw ay cannot be reached!" Natawa ako lalo sa sinabi niya bago kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Inaya ko si Jano na maghintay kami sa sitting bench na malapit, pumayag naman.

Pagbukas ko ng cellphone ko ay saktong pagpasok ng mensahe mula kay Chino. Nasa labas na daw siya, nagpa-park lang. Mukhang nagdala ng sasakyan ang prince charming namin ni Jano. Sinabi ko kay Jano ang reply ni Chino para lang matawa sa pag-irap ni Jano sa ere at pagpapaypay sa sarili. Ibre-break niya na raw si Chino pagdating dahil late.

Pareho kaming nag-aabang ni Jano sa entrance habang nagkwe-kwento siya at tumatawa ako. Natigil ang ngiti ko sa ere nang makita kung sino ang mga kasama ni Chino.

Ang dalawang Maniego na nangungulit sakin araw-araw. Malawak ang ngiti ni Abby habang papalapit. Si Hera naman ay parang bored na bored na naglalakad palapit, kasabay niya maglakad si Chino---- na apologetic na nakangiti. Gumanti ako ng ngiti sa kanya para ipakita na okay lang. Okay lang kahit medyo may kirot sa dibdib ko. Okay lang kahit paniguradong awkward. Okay lang kahit alam kong sira na ang date naming tatlo. Okay lang. Okay na okay.

Walang imikan o batian na nangyari pagkalapit nila samin dahil bago pa makalapit sakin si Abby para yumakap ay dumaan si Jano sa harap niya para hampasin si Chino. Awkward nang yumakap pagkatapos non. Awkward siyang ngumiti sakin. Awkward akong ngumiti pabalik. Lahat ng nangyari sa maghapon habang kasama namin sila ay awkward. Kahit ang baklang Jano, awkward rin kapag nagjo-joke.

**
Ako ang huling inihatid ni Chino pauwi. Tahimik siya buong byahe. Kanina, nang nandito pa si Jano ay panay ang paninisi at pagmamaktol nito kay Chino, na hindi naman pinapansin nang huli kaya lumabas si Jano ng sasakyan na bad mood at gusot na gusot ang mukha. Nagtampo ang bakla.

Tinulungan ako ni Chino na mag-alis ng seatbelt nang tumigil sa harap ng bahay ang sasakyan niya. Bumaba rin siya at inihatid ako hanggang sa gate ng bahay namin.

"Angie," tawag niya nang papasok na ako sa gate. Lumingon ako sa kanya, naghihintay ng kasunod niyang sasabihin.

"Sorry." Nasa batok ang kanang palad niya habang sa mamahaling sapatos niya siya nakatingin. Kahit si Chino, awkward.

"Saan?"

"Nasira ang lakad natin." Ngumiti ako sa kanya nang mag-angat siya ng tingin.

"Okay lang." Matagal siyang tumitig sakin bago sumagot.

"It's okay not to be okay sometimes, Anj." Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya.

Is it really okay? Then why does it feel like I have to? No one cares anyway whether I'm okay or not. Some people are asking but not all of them actually cares.

Humakbang ako palapit sa kanya. Nang abot kamay ko na siya ay hinawakan ko ang balikat niya at bahagyang pinisil 'yon. This is how to end an awkward conversation with Chino. Tap or pinch his shoulder and he won't ask anymore. It's like our safe code. Pinching each other's shoulder will always end the discussion. No matter how curious you are, you have to stop. Kasi ibig sabihin lang 'non, di pa kami ready mag-share. Hindi pa kami ready sabihin.

"I'm okay, Chino. You know that I have to."

Humalik ako sa pisngi niya bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

-----
LYG|HermosaEscrito|11232019|

THE LAST KISS (KISS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon