Chapter Eight

160 48 0
                                    


Chapter 8

"Oh? Akala ko ba wala kang pasok?" Bungad ni Kuya pagkalabas ko ng banyo.

"Tumawag 'yong anak ni Mayor e," sagot ko habang nagsasapatos.

"Pino-pormahan ka ba 'non?" Nakita ko na lang siyang nakasandal sa pader at nakatingin sakin. Ano bang drama neto?

"Akala ko liligo ka na?" tanong ko sa kanya.

"Pino-pormahan ka 'non no."

"Nino ga? Ay si Hera naman ang tumawag," sagot ko sa akusasyon niya.

"Kayabangan! Nakita ko yun si Vincent, iba tingin sayo. Parang kakainin ka ng buhay."

"Napaka-rami mong issue sa buhay. Ganon lang talaga tumingin 'yon." Pumasok na ako sa kwarto ko pagkatapos ko sabihin 'yon. Kinuha ko ang shoulder bag ko.

"Siguraduhin mong 'di mo syota 'yon ha," pahabol niya pang sabi nang palabas na ako ng pinto.

Ano kayang nakain 'non? Panis ata. Umaastang protective, 'di naman bagay.

******
Nang tumawag si Hera ay sinabi niya na dumiretso raw ako sa opisina niya pagkarating ko sa school. Nasa harap na ako ng opisina niya pero hindi ako makapasok. Malayo pa lang ako kanina ay naririnig ko na ang mga sigaw niya. Iba-ibang pangalan na rin ang nabanggit niya, pagagalitan niya saglit tapos makakarinig ako ng bagay na tinatapon o hinahagis kung saan tapos may lalabas ng pinto. Lahat ay nakatungo at nagmamadali. Mukhang beastmode ang perfectionist na Maniego.

"Mr. Magno."

Napaayos ako ng tayo ng marinig ang apelyido ni Chino. Kumpara sa iba ay hindi pasigaw ang pagtawag sa kanya ni Hera. Ngunit di nawawala ang sungit at kaseryosohan sa boses niya.

"How's the booths?" tanong ni Hera kay Chino?

"They were doing well, Pres. Nakausap ko na ang lahat ng year representatives. Maayos na ang booths nila. Nakabili na sila ng decorations. Maayos na ring naka-plano ang lahat ng games at pranks na gagawin nila for the entertainment of other students."

"Okay. Go."

Napangiti ako. Nakaka-proud naman si Chins. Siya lang ata ang hindi napagalitan. Nagulat ako nang paglabas niya ay kagaya lang rin siya ng iba. Namumutla at parang nakakita ng multo.

"Hoy," tawag ko sa kanya. Nabigla pa siya nang makita ako.

"Oy," bati niya pabalik.

"Bat ganon hitsura mo? 'Di ka naman napagalitan ah?"

Napabuntong-hininga siya. "Hindi pa."

"Ha?"

"Kapag hindi maayos ang mga booths o kapag hindi siya na-satisfied. T'yak na malilintikan ako. Hindi pa lang ngayon dahil maayos naman ang preparation na i-prinesent kay Pres. Pero alam mo naman, maganda talaga kapag naka-plano pa lang pero kapag nanjan na hindi na maganda. Expectation versus reality ba. Kaya nga kinakabahan ako. Kailangan kung ano man ang lay-out at design na pri-nesent kailangan ganon rin ang makita niya."

Tinapik ko ang braso ni Chino. Hays. Kawawa naman siya. Kailangan niya talagang maging hands on sa preparation. Naaawang tinanaw ko ang papalayong si Chino.

"NASAN NA BA SI ANGIEEE?" Nang marinig ko iyon ay mabilis na pumasok ako sa loob.

"Kanina ka pa?" seryosong tanong ni Hera. Napalunok ako bago sumagot. Nakasuot siya ng salamin niya at sobrang seryoso ng hitsura. Mas nakakatakot pa siyang tingnan kesa sa pinaka-matandang teacher sa school namin.

"Oo," mahinang sagot ko sa kanya. Ngayon alam ko na kung bakit kahit ang pinaka-siga at pinakamatapang sa school takot kapag siya na ang kaharap. Sa seryoso niyang mga mata, parang hinihigop lahat ng lakas ng loob na meron ka. Ilang beses ko ng nakita ang coldness sa mga mata ni Hera pero kakaiba ang lamig ng mga mata niya ngayon.

THE LAST KISS (KISS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon