Nakakapagod sabihin na hindi kita mahal
Kung sa tuwing tinitingnan kita ay 'di maiwasan
Hindi maiwasang mapangiti kahit ako'y mag-isa
At magselos sa tuwing ikaw ay may kasama
Nakakapagod itago ang aking nararamdaman
Kung naninindig ang balahibo kapag ako'y tinititigan
Kung nahahalata ng lahat na nahuhulog na ako
Paunti-unti nang nahuhulog sa iyo
Nakakapagod din palang balewalain ka
Lalo na't ikaw ang naiisip ko sa tuwina
Mula gabi hanggang sa pagsapit ng umaga
Inaalala ko kung kamusta ka na ba
Pero mas nakakapagod ang mahalin ka
Kahit alam ko sa sarili na mayroong iba
Kahit alam kong masasaktan mo ako
Kahit alam kong hindi ako ang mahal mo
Ngayon ay sinasabi sa sarili na iiwasan na kita
Sinasabi sa sarili na tuluyan nang didistansya
Sinasabing wawalain na ang aking nadarama
Pero heto ako, nananatili at nagpapakatanga
Dahil kahit napapagod ako dahil sa iyo
Bumabalik pa rin ako dahil mahal kita
~Nakakapagod
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems