Bakit Ngayon Pa?

18 3 0
                                    

Bakit ngayon ka pa bumalik?

Ngayon na pilit kong binubuo

Ang aking nadurog na puso

Dahil ito'y sinira mo?

Bakit ngayon ka pa bumalik?

Ngayon na paunti-unti na

Ang paggaling ng mga sugat

Na iyong ginawa at dinulot?

Bakit ngayon ka pa bumalik?

Ngayon na sinusubukan ko

Na hindi na maging marupok

At tuluyan kang walain sa isip ko

Bakit ngayon ka pa bumalik?

Ngayo'y ako'y nagdadalawang-isip

Pero sige, dahil mahal kita

Tatanggapin kita ulit

~Bakit Ngayon Pa?

@IamQueenMoon

NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon