Akala ko ito'y tapos na
At wala nang nararamdaman pa
Akala ko ako'y manhid na
At hindi na masasaktan pa
Ngunit lahat pala ay isang akala
Noong nalaman ko na ika'y aalis pala
Biglang nanumbalik ang mga alaala
Noong mga panahon na tayo'y masaya
Doon ko napagtanto tunay na nararamdaman
Hanggang ngayon pala, ika'y aking mahal
Pero ano pa ba ang magagawa ko
Alam kong hindi ako ang mahal mo
Siguro nga wala na akong magagawa pa
Kundi ang kalimutan ang ating mga alaala
Pati na rin ang nararamdama'y aking kakalimutan
Upang sa ganoong paraan, hindi na ako masaktan
~Nanumbalik
@IamQueenMoon
BINABASA MO ANG
Nine
PoetryThe number nine became my symbol For a broken infinity, broken heart in motion If infinities doesn't have it's end, broken infinity has one And I will express them through my poems