Akda

33 5 0
                                    

Habang binabasa ang mga tula at kanta

Na ako ang may akda at ikaw ang paksa

Naaalala ko ang aking nararamdaman

Mula sa ako'y masaya hanggang sa ako'y nasaktan

Mga akda tungkol mga masasayang araw

Na walang ibang iniisip kung hindi ako at ikaw

Mga panahon na malapit tayo sa isa't isa

At mukhang hindi mapaghihiwalay ng tadhana

Kanta noong mga panahong nahulog ako sa iyo

Nang hindi ko inakala at hindi rin ginusto

Ngunit ayokong malayo ang loob sa iyo

Dahil sa ayokong magbago ang dating tayo

Mga tula noong dumating sa punto na ako ay lumayo

Ngunit hindi kinaya at bumabalik pa rin sa iyo

Hanggang sa ikaw na ang gumawa distansya

Kaya naging mailap tayo noon sa isa't isa

Mga salita noong pinili nating tapusin ang problema

Bumalik tayo sa mga dating biruan sabay tawa

Dahil kahit ako ay may nararamdaman

Hindi ko kayang isugal ang ating pagkakaibigan

Ngayon na wala na akong nararamdaman para sa iyo

Ngayon na tinanggap ko na hindi magiging tayo

Hindi ko maitatanggi ang ating mga alaala

Dahil ang mga akda ko ang siyang naging ebidensya

~Akda
@IamQueenMoon

NineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon